CHAPTER 9~ Bestfriends

123 2 4
                                    

Ashleigh's POV~

"Kuya si Daniel nga yung kasama ko this past few days!" Pagpasok ko nasa hagdan palang ako papunta sa kwarto ni Dash yan na agad ang narinig ko -_-

"Darryl Shane pwede ba tinatanong kita ng maayos wag ka naman magjoke!" Hahaha! Pustahan inis na niyan si Kuya Neil, binanggit na yung buong pangalan niya eh. Paktay ka bestfriend! Pumasok na ko ng kwarto niya pero di ata nila ako napansin kaya tinitignan ko lang sila

"KUYA ALAM MO LUMABAS KA NALANG NG KWARTO KO KUNG DI KA MANINIWALA! NAGTATANONG KA TAPOS DI KA MANINIWALA SA SAGOT KO." Sagot ni Dash. Naks? Brat talaga tong babaeng toh kung makasagot sa kuya niya -_- Pero seryoso! Mukhang totoo naman na yung sinasabi nitong babaeng toh kasi di yan ganyan mapipikon kung isang malaking joke niya lang yun eh.

"Umayos ka! Wag mo kong dinadaan sa ganyan ganyan mo sakin baka sumbong kita kayla Mama. Makita mo?!" Umirap lang si Dash sa kanya. "Oh Ash?! Nanjan ka pala?" Ano ba toh si Kuya Neil kagulat -___-

"Oo kanina pa! Grabe bulyawan niyo rinig sa hagdan palang" Tapos umupo ako sa kama ni bestfriend.

"Yan kasing bestfriend mo!" Sabay turo kay Dash. "Nagdedaydreaming na naman!" Tumingin naman ako kaagad kay Dash.

"Oh my gosh! Dont tell me di ka naniniwala sakin Ash?!" Oh tingin ko palang yun ganon na toh magreact. Hahaha! Epic ng mukha. "ANO ASH?!" Hahahaha! Nanghihingi ng awa Dash? ^_^v

Bigla namang nagring yung phone ni Kuya Neil kaya nagexcuse siya samin.

"Ano ash?? Di mo na ba ako kilala?" Hahaha! Laughtrip mukha niya swear!

"Baliw! Syempre kilala kita! Bestriend kita eh! Di lang talaga ako makapaniwala na ikaw?? Nakasama mo ng 2 days si Daniel?!" Like what I've said naniniwala talaga ako dito sa bestfriend ko. Malamang bestfriend ko yan eh! Kilalang kilala ko siya..

Kinuwento niya sakin lahat lahat siguro mg 30 mins din. Hahahaha! Ganyan yan lagi magkwento matagal puro ka pa hampas. Wala eh! Babaeng kinikilig.

"Ano naniniwala ka na?" Tanong niya sakin na pulang pula ngayon ang mukha.

"May sinabi ba kong di ako naniniwala?" Hinampas naman ako ni baliw. "Kinikilig ako para sayo best!" Tapos hinampas ko din siya ng unan.

"Mas lalo ako best! Swerte ko noh?!" Tapos may kinuha siya sa ilalim ng unan niya. "Ito yung bigay niya saking phone oh" Sabay turo niya dun sa phone.

"Naks! Ikaw na talaga!" Di ko crush si Daniel pero pagkinikilig tong katabi ko dun kay Daniel kinikilig na din ako. Tsaka sa totoo lang di naman ako nagalala nung nawala siya ng two days. Ewan ko?! Basta may tiwala kasi ako sa kanya na di niya pababayaan sarili niya and see... ang saya niya pa!

Shemay di papala ako nagpapakilala! Ako pala si Ashleigh Joi Perez bestfriend nitong si Darryl Shane. Ash ang nickname ko. Cute noh?! Yah I know! Hahaha! Loving,Caring,Medyo kalog pero mahinhin ako unlike sa bestfriend ko... Yun nga mas marami kaming differences kesa sa similarity. Nagtataka ba kayo kung bakit naging magbestfriend kami? Well kami din. Hahahaha! Basta mahal na mahal ko yan kahit baliw na baliw yan kay Daniel.

Dash's POV~

Bestfriend ko talaga yan si Ash. See? Si Kuya inisip na kalokohan ko lang yun pero si Ash pinaniwalaan ako. Ganon naman kasi lahat diba? Minsan mas kilala pa tayo ng ibang tao kesa sa pamilya mo..

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon