Tamad na gumising si Mayvel sa umaga na yon, at kailangan na rin niyang bumangon dahil mag tatanghali na. Naalala naman niya ang party kagabi sa katabing bahay kaya nga tanghali na siya nagising dahil madaling-araw na siya nakatulog sa sobrang ingay ng mga ito. Hayun, naka skip tuloy siya ng breakfast. Ngayon pa lang, kailangan na talaga niyang mag proper diet, prior to her soon pregnancy. Pero heto na naman, nasisira na naman yong to-do list niya. Simula kasi ng ikasal sila ni Alex, hindi na niya nasunod ang mga dapat sana niyang gawin. Naging metikulosa lang siya ulit ng magkahiwalay sila ni Alex. At ngayon, unang umaga pa lang niya sa bagong tahanan, late na siyang nagising? Pero hindi, hindi siya dapat magpa apekto just because the king of chaos had moved into the neighborhood.
Bumangon na siya para makapaghanda agad siya sa kanyang pananghalian. Pero bago pa siya nagsimulang magluto, gumawa muna siya ng panibagong to-do list. Kailangan rin kasi niya ito para sa plano niyang pagbubuntis.
Una, kailangan na niyang magpagawa ng nursery room sa second floor na adjacent sa kanyang room. Hindi na nga siya makapaghintay na bumili ng crib at iba pang kagamitan para sa kanyang magiging anak. Kaya ginawa nalang niya itong una sa listahan niya.
Pangalawa naman sa kanyang lista ang mga kailanganin niya para sa pagpipintura sa nursery room. She wrote down, brushes, rollers, and paint tray, at napagpasyahan niya na iyon nalang muna ang ilalagay niya sa kanyang listahan.
Matapos niyang mananghalian, sumilip na naman siya sa may bintana at nakita niyang tahimik na ulit ang paligid. Sigurado kasi siyang hindi pa rin nagigising ang kanyang kapitbahay epekto na rin sa pagpaparty nito last night.
Mayvel opened her front door and stood on her front steps for a moment, stretching her arms toward the cloudless azure sky. Na iimagine na tuloy niya ang bagong panganak na sanggol na nilibot-libot niya ito sa buong subdivision sakay ang isang stroller, kaya nga wala na talagang urongan dahil next week dadating na ang kanyang sperm donor na nagmumula pa siya Seattle.
Right now, may nakikita siyang dalawang magagandang babae na nagjojoging kahit tanghaling tapat na. Maputi at makinis ang mga kutis ng mga ito. Balingkinitan ang mga katawan nito at masasabi niyang mga seksi talaga ang mga ito. Tumingin naman ang mga ito sa direksyon niya. Nag-aalinlangan naman siya kung ngingitian ba niya ang mga ito o hindi, mukha pa namang mga suplada.
As they passed on the sidewalk in front of her yard, bigla namang napahinto ang mga ito sa tapat ng bahay niya. "Hi, bago ka rito?" tanong ng isa.
"Hi, yes bago lang ako nakatira dito."
"I'm Chona pala, and she's Mandy my younger sister. Ikaw anong pangalan mo?"
"I'm Mayvel."
"Nice meeting you, Mayvel." sabi ng nagngangalang Chona.
"Same here." tugon niya.
"Hi ladies."
OMG! That voice! kilalang- kilala niya ang nagmamay-ari sa baritonong boses na iyon. One quick glance revealed her ex-husband, a vision in a faded denim shirt and jeans, standing on the front porch next door.
Para namang teenager kung makakilig ang magkapatid nang batiin sila ni Alex. Nag-iwas na lamang siya ng tingin at hinanap ang kanyang newspaper. Pansin naman niyang may bitbit na newspaper si Alex, para yatang sa kanya yon. The son of a bitch stole her newspaper!
Pagkaalis agad ng magkapatid, sinigawan naman ni Mayvel si Alex. "Hoy! newspaper ko ba yan?"
"Pahiram muna." he called back.
She muttered a few prime curses before she shouted, "Well, are you done?"
"Malapit na." anito, at akmang papasok na ito sa kanyang bahay.
Naiimbyerna naman siya dahil parang wala yatang balak na ibalik ng lalaki ang newspaper niya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at sumugod nalang siya sa bahay nito.
"Give me my damn paper." she shrieked as she pounded up a little flight of stairs to his porch. But just as she reached to grab it from his hands, Alex stood and held the paper high over his head.
"Sandali lang, Vel. Titingnan ko lang kung na imprinta ba dito ang ad ko."
She glared at him. Hindi sa interesado siya sa sinasabi nitong ad, pero napatanong na pala siya. "What ad?"
Binuklat ulit ni Alex ang newspaper at may itinuro ito sa kanya. "Itong ad na to." saad nito. "Good. They got it in." at isinara ulit nito ang newspaper na hindi man lang niya nasilayan ang tinuturo nitong ad.
"Ano ngang klaseng ad?" tanong niya ulit.
"Ibebenta ko na kasi ang paborito kong sasakyan."
Alex lowered himself onto the thick sandstone blocks that formed the sidewall of the front porch while she continued to stand. Hindi nga siya sigurado kung tama ba ang narinig niya.
"You're selling the hummer?"
"Yep. Dahil tama ka na hindi iyon pampamilya na sasakyan."
Napakurap-kurap siya. "May sarili ka na bang pamilya?"
"Wala pa sa ngayon." napapailing na sagot nito. "But I'm working on it."
"Ganon?..well, marami ka yatang makikita dito." She let go of an exasperated sigh as she plopped down on to the top step. Oo, naglaho man ang galit niya kanina, pero napalitan naman ito ng frustration. "This is crazy, Xani. Sabihin mo nga sakin ang totoo, sinadya mo ba talagang bilhin ang bahay na to para maging kapitbahay tayo?"
"Nagkataon lang siguro, Vel."
She rolled her eyes. "Oh, please."
"Vel, I'm sorry. Just give me a chance to--"
"Tumigil ka na. Ayoko nang marinig ang mga sasabihin mo." inagaw niya ang newspaper mula kay Alex at ibinaling niya ngayon ang atensyon sa hawak na newspaper. When Alex reached out for her hand, inilayo naman niya ito. "Don't. Just don't."
He held up his hands in a gesture of surrender, then grinned. "Lukot-lukot na yang newspaper oh. I know how much you hate wrinkled news."
Tama si Alex, ayaw nga niya sa lukot-lukot na newspaper. She despised it when anybody read the paper before she did and got the pages all misaligned.
"Fine, I'll just take my wrinkled news and go home." pinagdiinang sabi niya rito. "And since isa kang pulis, hindi na siguro kailangan pang ipaalala ko pa sayo na bawal yong kumuha ng gamit na pagmamay-ari ng iba, kuha mo Inspector Miller?"
"Hindi na yon mauulit." he said solemnly despite the twinkle in his eyes.
She was halfway across the driveway when Alex called her, "Hey, Vel."
Now what? "What?" she snapped.
"May lakad ka ba this afternoon?"
Meron nga ba siyang lakad? tama, ngayon ang schedule niyang bisitahin ang ina. "Meron, bakit?"
"Kung may lakad ka, sasabay sana ako sa kotse mo."
Napahugot siya ng malalim na hininga. "Okay. Pero sa ngayon lang yan ha?"
"I'll pick you up at two-thirty. Hindi two-thirty five at lalong hindi two-forty. Kaya maghanda ka na bago sa oras na yon dahil ayaw kong pinaghihintay ako."
"Vel, darlin, alam ko na ang two-thirty sayo ay two o'clock. Nakahanda na ako niyan."
"I doubt it." mahinang aniya bago siya tuloyang pumasok ng kanyang bahay.
*****
BINABASA MO ANG
I Want Nobody But You(Completed)
General FictionMakalaglag panga ang kakisigan at kagwapohan kung mailalarawan si Police Chief Inspector Alexani Miller, kaya nga naman naging playboy ang imahe nito. Mayvel Aznar should know that in the few months of their marriage. Tumakas si Mayvel sa isang arra...