Panaginip (ONE SHOT)

370 6 5
                                    

Nakita kita nakatitig sa akin. Sinabi ko ",Okay ka lang?"  Sagot mo sa akin ",Hindi." Tinanong kita kung bakit ngunit hindi ka sumagot. Umalis ako kasama ng iba. Nakita ko may luha sa iyong mga mata. Naawa ako, kaya nilapitan ulit kita. Ngunit sabi mo ",Umalis kana mas kailangan ka niya." Napaiyak ako sa sinabi mo kaya tumakbo ako patungo sa kanya.

Sa isang magandang lugar doon ako napunta pero kailanman ay hindi ako magiging masaya sapagkat sa iyong tabi lang talaga ako masaya. Biglang bumuhos ang ulan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napahiling na sana sa pagtina ng ula'y ika'y makapiling. Hindi ko inakala sa pagbukas ko sa aking mga mata ay ula'y biglang nawala at ang imahe mo lang aking natanaw. Suot mo ay t-shirt na puti at maong na itim. Tinanong kita kung bakit ka naririto ang tanging sinabi mo lang ",Dahil hiniling mo."

Sa lugar na iyon ay ipanagtapat mo na ang puso mo ay nakalaan lang sa isang tao. Bigla akong nalungkot ngunit sabi mo na huwag akong mabahala dahil ang taong iyon ay ako. Doon ay niyakap mo ako nang mahigpit na para bang nagsasabi na sa buhay mo'y ako'y ayaw mong malayo. Nang biglang may narinig akong tinig na tumatawag sa akin, bigkas na bigkas ang aking ngalan. Unti-unting naglalaho ang mga magagandang imaheng iyon.

Yun pala ang lahat ng iyon ay panaginip lamang. Ako pala'y nakatulog sa klase at ikaw pa ang gumising sa akin.

Panaginip (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon