October 14, ****
Andito ako sa park ngayon with my co-members in a ministry for youth.Opo, youth. 20 years old pa po ako. Mag-me-meeting kasi kami para sa upcoming emersion namin sa mga batang palaboy-laboy lang.
Ilang saglit pa’y nakapagsimula na kami. Sinimulan ang pagpupulong namin ng isang dasal na sana’y magiging maayos ang takbo nito at sa gaganaping emersion namin. Pagkatapos ng pagdadasal ay nagsalita na ang nagpapatakbo nito, si Miss Elna.
Habang nakikinig, biglang nabaling atensyon ko sa isang lalaking may hawak na bibliya, pero napansin kong iba ang mukha nito, hindi kagaya sa bibliya naming mga kristiyano, at mukhang ibinabahagi niya ang mga nakasulat dun sa mga batang masayang nakikinig sa kanya. Napangiti ako sa nakita ko.
“Marie, so, anong mabibigay mong opinyon?”
“Ha? eh.. hehehe.. sorry Miss Elna.” –napakamot nalang tuloy ako sa ulo ko. Hindi ko kasi napansin na isa-isa na palang magbibigay ng opinyon. At sa mga panahong, ako na, eh wala ako sa mundo nila xD hehehe… Sobra lang kasi akong nasiyahan sa nakita ko. Sa panahon ba naman natin ngayon, ay minsan nalang ang mga kalalakihang MAKADIYOS.
“Yan kasi, nakakita lang ng guwapo nawala na sa sariling mundo.” – dagdag ni Miss Elna, habang nakatingin sa lalaking andun na may ngiting nakakainis. hahah … Nagtawanan tuloy sila at napangiti nalang ako, ikaw ba naman mahiya. =^^=
Sa wakas, at natapos rin ang meeting naming. Marami-rami rin kaming mga gagawin para sa emersion. Sa makalawa na agad ang alis naming. Excited na nga ako. First time ko kasing makasama sa isang emersion. Pinipili lang kasi ang makakasama rito.
(EMERSION)
Nakasakay na ako ng traysikel ngayon dala-dala ang mga gamit para sa emersion papuntang park. Dun lang din kasi ang Assembly Area naming. Mukhang napaaga nga ako kasi ako palang mag-isa.
“Aray! Anu yun?” – ang sakit nun ah!May bola kasing biglang nahagis sa ulo ko.
“Sorry Miss!” – nanglaki ang mata ko at tila naghugis puso ng makita kong ang lalaking nakit ko nung mga nakaraan pang araw ang andito sa harapan ko ngayon at humihingi ng despensa.
O__________O
“Ha? Ahm.. O-oka-okay lang.” –ang laki ng ngiti ko. Nakaka-SPEECHLESS din promise, ang cute kaya! Pero, masakit talaga ulo ko -..-
“Sorry talaga ha?” hahaha…. paliwanag mo! charot lang po. “Naglalaro kasi kami ng volleyball ng mga bata ng aksidente naming mahagis sa’yo ang bola. Sorry talaga. Siya nga pala, I’m Gilbert.” –inabot niya kamay niya sa akin matapos niyang pinakilala sarili niya.
“Ano ka ba. Okay lang yun. Marie. I’m Marie.” – then I lend my hand tapos shakehands. Friend na po kami infairness. Salamat po sa bola ng volleyball. Kung hindi dahil dun. xD
After ng nangyari, niyaya niya muna akong umupo sa may bench malapit lang sa pinaglalaruan nila. Dun, nagusap kami. Nalaman kong iba pala relihiyon niya kaya iba yung mukha ng bibliya na hawak niya noon.
A/N: Hindi ko po i-me-mention ang other religion. Kayo na bahala mag-isip :)))
Sa maikling oras na yun, may nalaman din ako kahit konti tungkol sa kanya at sa relihiyon niya at pati yung sa akin din syempre, ang ministry. Nalaman kong magkaiba ang paniniwala naming. At nirerespeto ko yun.
“Marie! Andyan ka lang pala. Halika na dito. Tawag na tayo ni Miss Elna.” – narinig kong tinatawag na ako ng isa kong kasamahan. Kaya naman ay nagpaalam na lang ako kay Gilbert. Paalis na sana ako ng bigla niya akong tinawag at inabot niya sa akin ang cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Decision: God's Choice
RomanceA story of a woman named Marie who chooses to let go of her love because of her great love in GOD.