summer bago ako magsenior year.
ang aga aga nasa bahay ako ng beshy ko, nakikitambay at nakikiaircon. nga pala matalino tong babaeng to, top of the class at sa sobrang talino eh ang daming alam.
"zee, may movie bang maganda diyan? nuod tayo, boring eh."
siya si zee, ang bestfriend kong madaming alam.
"zee? hoy" hay ang bruha nagdodota na naman, anu bang meron sa dotang yan.
"sam, wag kang magulo sshh!" ten tenenen at ako naman si sam.
ilang minuto pa ay di na ko nangulit at nanuod na lang sa kanya ng biglang ang matalino kong bestfriend ay may naisip na idea.
"turuan na lang kitang magdota, yan dito ka bibili ng blablabla may bubuuin ka basahin mo lang yan..."
and it went on and on and on hanggang sa mag3pm na at may naisip na namang idea ang baliw kong beshy.
"laban tayo, kaso isa lang pc dto sa bahay, dun tayo sa comp shop sa may kanto."
"okay..." at ako naman tong si baliw din ay pumayag.
lakad lakad lakad...
"alam mo ba lumipat malapit dito si HD mo!"
"talaga! san banda? wah ang duga ka brgy. mo na siya."
"turo ko sayo mamaya, lagpas lang sa comp shop yun eh."
lakad lakad...
nakarating na kami sa tapat ng comp shop.
"zee san banda?"
"ah dun oh diba etong daan, look straight ahead, 1, 2, 3, dun sa pangatlong eskenita."
"mejo malayo din pala sa inyo. sayang!"
pagkapasok namin sa computer shop ang ingay, sabi nga ni zee nagtatrash talkan daw yun. buti na lang may hiwalay na room yung may aircon at smoking area, ang dami kasing tambay sa kabilang division.
pagkaupo namin ng pc, facebook muna saglit tapos sabi ni zee sf (special force) daw muna kami, eh dun ako magaling eh di okay haha!
maya maya pa tinry namin magdota kaso may mali eh, yung version ng dota sa pc namin di daw magkatugma, sabi ni zee di daw nya alam baguhin yun kaya..
"sam, kaw na. punta ka sa counter, ask for assistance."
"okay..."
so yun pumunta ako kaso yung bantay naglalaro ng dota kaya naisnob ang byuti ko.
"kuya sa pc 27 po ano..."
"wait lang ate ha.. hoy tulungan niyo nga muna si ate" sigaw nung bantay kaya ayun may sumunod sa kanya na sumunod naman sa pwesto namin.
. . . . .
pinaliwanag ni zee yung gagawin kay kuya no. 2..
"ah ganun ba, wait di din kasi ako maalam jan eh, tawag ako back up.. ah sge ate upo ka muna sa pc mo pause ko na lang time niyo, surf surf muna kayo jan"
tas umalis siya ang nakakatawa rinig namin yung sigawan sa kabilang kwarto...
"chong may mga chix don magdodota sino marunong magconvert?!" kuya no. 2
"eto si kaloy oh, nanonood lang!" kuya no. 3
"ano ba yan?! san ba?" kaloy ata.
"sa kabila, pc 27."
ilang segundo ang lumipas tumunog yung sliding door sa division namin. tapos may footsteps...
"uhmm, ano nga po ulit gagawin?" sabi nung kaloy, napalingon tuloy ako, at ...
-----
binitin ko talaga. meanie me :)
continue reading pa din ha!
vote COMMENT be a fan!
BINABASA MO ANG
Her Point Of View
Romanceisang babae na may long time crush aka hidden desire sa isang lower year level na lalaki... isang storyang maaaring nangyayari sa totoong buhay... isang babae na may crush... isang babae na nafafall... kahit natingin lang sa malayo, sa mga pictures...