Barkada ?? Sino ba yung tinatawag nating Barkada ??
• Sila ba yung laging nandyan pag may kailangan tayu ??
• Sila ba yung nag papasaya sa tin sa oras na boring ka??
• Sila ba yung walang alam gawin kung hindi ang pag tawanan ka??
• Sila ba yung mas nakakakilala sayu kaysa family mo ??• Sila ba yung walang ibang gawin kong hindi puro kalukuhan ??
• Sila ba yung mumurahin ka kapag nadapa ka ?
• Sila ba yung walang papel kapag oras ng quiz ??
• Yung bang hindi makaalis kung hindi dadaan ng CR para mag pulbo ??
• Yung bang hindi ka makapag emot dahil iisa ang reaksyun nila.
• Yung bang laging nandyan para supurtahan ka ??
• Yung hindi marunong mag judge kahit anu ka pa ??
• Hindi makukumpleto ang araw mo kung wala sila ??
• Yung bang uutang sayu pero hindi ka na babayaran ?O
• Yung alam mo na masaya ka kapag kasama sila.Lahat yan iisa lang ang ibig sabihin , sabi nga sa buhay makakakilala tayu ng ibat ibang klase ng tao kahit na hindi natin sila kilala pero sila yung magiging dahilan para makumpleto ang buhay natin , sila yung dahilan kung bakit mas gusto nating pumasok sa school dahil gusto natin silang makasama , kahit sang kalukuhan , walang tama at walang mali pag sila ang kasama.
Masaya pag kasama natin sila pero darating ang araw na yung dati nyung ginagawa mawawala na lang kasi yung iba may kanya kanya ng buhay , yung iba may work na, yung iba may pamilya, yung iba naman patuloy parin tinutuklas yung pagkatao nya , yung iba lumalayo para maging matagumpay sa buhay pero ganun pa man still hindi pa rin mag babagu at mawawala kung anu man ang pinag samahan ninyu na kahit sa internet na lang kayu nag kakausap still parang walang nangyare , ganun na ganun pa rin kung paano kayu nag kahiwalay.
Ginawa ko yung barkada story ko dahil gusto ko lang mag thank you sa kanila sa lahat ng ginawa nila para sa kin , sa lahat ng masasayang nangyare sa min kahit ngayon may kanya kanya na kaming buhay but still yong friendship nandyan pa rin at hindi nag babago ang lahar sa kong anong meron sa min.
Bahagi na nga ng buhay natin at buhay estudyante ang mga barkada siguro kung wala sila parang ang boring ng buhay estudyante.
Sa school ito yong bumubuo ng buhay estudyante at masasayang klase.
Si Joker - mahilig mag joke kahit ang corny basta may masabi lang at makapag patawa.
Ang Papansin - walang magawa sa buhay kahit mukha na syang tanga sa pinag gagawa niya .
The Nerd - ang savior of the day kung walang notes at homework.
Teachers Pet - ang sumbungero sa teacher kaya walang gustong makipag usap sa kanya , in short SIPSIP.
Mr./Ms Daldalera/Daldalero - walang ginawa kong hindi ang makipag daldalan mag hapon sa loob ng klase.
Ang maarte at mayaman - hate siya ng lahat dahil masyadong mataas ang tingin sa sarili.
The Emotional - hindi namamansin , may sariling mundo.
Ordinary Student - nag aaral at nakiki ride-in sa mga kaklase.
Ikaw alam mo ba kung anong klase kang estudyante ??
Nakakamiss tuloy maging estudyante Hehe
Aminin man natin o hindi masaya pag kasama natin yong mga taong yan, hindi kumpleto ang araw kong walang sisira ng araw mo at walang mag papatawa sayo pero ganon nga siguro ang buhay ng isang estudyante akala natin forever natin silang makakasama pero darating ang araw lahat sila lalayo dahil hahanapin nila ang totoong sila.
Pero ganon pa man wag na wag nating kakalimutan kong paano tayo naging masaya kasama sila , sabi nga nila kahit dumating yung time na hindi na kayo mag kita at wala ng balita sa isat isa , darating pa rin yung point na minsan may dumating na Bar-Ka-Da sa buhay natin.
At ang story na to ang mag papatunay ng lahat ng yan na kahit san man sila makarating hinding hindi nila kinakalimutan ang isat isa kahit na may kanya kanya na silang buhay ngayon.
Paano nga ba nabuo ang isang masayang Barkada sa loob ng isang maliit na campus ??
Story Info : Karamihan sa mga scene na mababasa ninyo sa story na to ay hango sa totoong pangyayare ni author kasama ang mga makukulit na barkada.
BINABASA MO ANG
Bar-Ka-Da ( Completed )
Teen FictionDumarating talaga yung time na yung mga taong lagi mong nakakasama sa school , darating yung time na mawawala na sila dahil may kanya kanya ng buhay pero kahit hindi madalas magkita kahit sa chat na lang nag uusap hindi pa rin mawawala yung pinag sa...