Chapter 3: Selosa ako. >.<

229 3 4
                                    

Ito na po hinihintay niyong update of our story.

--Japs101

-----------------------------------------------

Yumi's POV

(Thursday Afternoon)

Hayyyy. Kakapagod!

Kakarating ko lang ng bahay galing school.

Tapos ito pa ang malupit,

Last day na nga bukas ng summer class, may quiz pa! AMFUFU!

Seriously, tinatamad ako mag-aral.

Gustung-gusto ko na i-open ang twitter ko.

Baka may tweet na sa akin ang aking loves.

Pero, I have no choice.

Priority ko ang studies eh.

A R A L M O D E

YES!!! Sa wakas, natapos na din ako sa pag-aaral.

Pwede ko na rin ma-open ng twitter ko :)

E'di yun in-open ko na.

Uy! May dumagdag sa followers ko.

Syempre inaasahan kong si Boyon My Love So Sweet yun.

Tingnan ko nga interactions ko.

Ayy. Hindi pala. Pero wait...

May interaction ako kay Arvin. :"">

Ni-retweet at ni-favorite niya pala yung last tweet ko sa kanya last night.

Chineck ko na rin ang profile ni Arvin. =)

As usual. Ayoko ngang mahuli sa balita.

Nakita kong may katweet siya.

Yung username na @amaGANDAHHH ang laman ng kanyang mga tweets for the past two hours.

Kumirot ang puso ko.

Nagselos ako. Syempre. :"(

Nagtweet na lang ako kay Arvin.

<@MaYUMIness: Hi @ImArvinBoyon! =)) ingat ikaw palagi ha, gwapoo! :**>

Hayy. Hindi naman ata niya napapansin eh. :( Busy s'ya! 5 minutes na ang nakakalipas eh.

Kumuha ako ng ice cream sa freezer dahil nagugutom ako. May plano rin kasi akong manood ng isang Jamich video.

Pagbalik ko sa kwarto, nakita kong may new interaction ako.

Agad ko itong binuksan!

<@ImArvinBoyon: @MaYUMIness Hi din. Ingat ka din, Ganda! =))>

Ni-favorite ko na lang 'yun. Nagseselos talaga ako eh.

I clicked on a new tab. Nag-youtube ako.

Ang ganda nung "The One" =))))))) nakakaiyak nga lang. :"(

Habang nanunood ako, syempre, updated pa rin ako sa mga churvachuchu sa Twitter. =)))

At ang alam ko, nag-log-out na si Vin mahlabs pagkatapos kong i-fave yung tweet niya. At hanggang sa matulog ako, hindi na ulit siya nagtweet...

Arvin's POV

Nakatulog ako nang isang oras pagkauwi ko.

Pagkagising ko, siya pa rin ang nasa isip ko.

Nag-OL na lang ako sa Twitter at nakita kong sabog ang interactions ko.

Nakita kong nagtweet sa akin yung pinsan kong nasa Taiwan. Namiss ko rin 'to ah. Close kasi kami nito. =)

Ang dami naming pinag-usapan ni @amaGANDAHHH. HAHA. Maganda naman talaga 'yun.

Nag-bukas ulit ako ng interaction ko at ang latest na nagtweet sakin ay si Yumi. Nagulat ako.

Ibinaling ko na nga sa iba ang atensyon ko pero ito na naman siya, nagpaparamdam sa akin. Actually, napangiti nga ako eh... =)

Nakalipas ang 5 minutes. Nakatitig lang ako sa laptop ko. Hindi ko pa siya narereplyan. Nabablanko ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sinabi ko na lang na mag-ingat din siya. Tinawag ko pa siyang ganda. :)

Ni-favorite niya lang yung reply ko. Parang nanlambot ako. Parang nadismaya? Hay. :(

Hindi ako nag log-out. Hindi lang talaga ako nagpaparamdam. Hindi ako nagreretweet o nagfafavorite ng mga tweets sakin. Hindi rin ako nagtweet ng kahit isa matapos i-favorite ni Yumi ang tweet ko.

Hanggang sa namalayan kong 11:00 na pala.

Inantok na rin ako. *yawns*

At nakatulog na nga itong gwapong 'to. HAHA.

B E D T I M E

----------------------------

Inaantok po si Author kaya 'yan ang 3rd Chapter.

HAHA. Sana po nagustuhan niyo. =)))))))))

BTW, kung may kaparehas po ng flow ng story at ng username sa Twitter, sorry po. Hindi ko po sinasadya.

At isang Fan Fic lang po ito kaya ang mga ibang impormasyon ay pawang gawa-gawa ko lang.

Vote and comment din po.

Thank You very much! *sabog confetti* *bukas fog machine* HAHA.

VOTE. COMMENT.

SIGE. BYEEEEEEEEEEEEE. TIL NEXT TIME. =)

--Japs101

I'm Just a Fan (Boys OverLoad Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon