Kilala mo naman siguro si vige ganda di ba!!?? KARAKARAKA marami siyang ginagawa na nakakatawa....... promise!!!
JOKE 1
Nakakita siya ng guwapo, di nakapagpigil
Vice: Hi, ano pangalan mo?
Gwapo: Ako po?
Vice: Hindi sila, may nakikita ka pa bang tao? Malamang ikaw, ang tanga.
Sa gasoline station, pagbaba nya ng window
Gas boy: Magpapagas po?
Vice: Hindi magpapaconfine ako. Malamang magpapagas, gasolinahan ‘to 'di ba? Alangan magpaconfine ako dito, tapos dextrose ko 'yung unleaded gasoline niyo, at ayun na yung ikakamatay ko.
Sumakay siya ng jeep na walang laman papuntang palengke
Vice: Manong bayad po.
Manong1: Ilan ‘to?
Vice: Ay manong dalawa yan, nakakahiya kasi sayo, kahit ako lang mag-isa sakay mo, dalawa na ibabayad ko, libre na kita kahit sayo 'tong jeep.
Bababa na sya
Vice: Manong, para.
Manong1: Bababa ka na?
Vice: Ay hindi manong, sasakay ako. Sasakay ako ulit, dun naman ako sa bubong, mas presko kasi dun.
Binaba siya sa gitna
Vice mabundol ng isa pang jeep…
Manong2: Nasaktan ka ba?
Vice: (naasar) Ay hindi, nag-enjoy ako. Ulitin natin, bunguin mo pa. Isa pa! Dali! Ang sarap kasi! Nakabundol ka tapos itatanong mo kung masakit? Ikaw kaya bundulin ko? Tapos i-share mo skin feelings mo, kaya na-enjoy mo, sige magbungguan tayo. Laruin natin, ipauso natin, bunggu-bungguan.
Sa Opisina
Vice: Pasok mo nga dito yung mga papeles ko..
Assistant: Sir saan ko ipapasok , dito sa loob"?
Vice: Hinde sa labas, ipasok nga diba.pwede bang ipasok sa labas, sige nga subukang mong ipasok doon sa labas
Another Day
Kararating lang sa opisina
Assistance: Hi. good morning po ser nandito na po pala kayo.
Vice: Hinde wala pa, picture ko lang toh, hindi pa ako to.
Naospital yung pamangkin, kasi buntis (dinugo)...
Pumuntang emergency room:
Vice: Nurse tulong!
Nurse: Ano pong nangyayari? Manganganak?
Vice: Ay hinde, ipapatira ko pa lang.dinudugo na nga diba. Syempre manganganak na
2nd Attempt
Vice: Bilisan mo na!
Nurse: Ano pong gusto niyo? Tawagin ko si dok?
Vice: Hinde ako na kaya ko na toh! Doon na lang kayo, baka nakakaabala pa ako sa inyo!
3rd Attempt
Tagal ng doctor..
Vice: Yung ulo ng bata lumabas na!
Nurse: (nagtatakbo) Ay ano yan ulo ng bata?