One-shot! ^_______^
--- -- --- -- --- -- ---
Hello! Jean Eloisa Rodriguez here! :) 4th year student sa isang iskwelahan! at may ishe-share akong kwento sainyo!
- - - -
F L A S H B A C K
5 years ago... palagi mo akong inaasar ng...
"Hoy Panget!" yan ang lagi mong pang-asar saakin, katabi mo lang ako noon, pero sinisigaw mo padin straight sa tenga kong rinding rindi na sa tagline mo!
"Bakit mo inaasar sarili mo?!" yan naman ang lagi kong sagot sa nakakarindi mong tagline, lagi mo namang tinatawanan lang yung sagot na ibinibigay ko sayo..
Isang araw sa kalagitnaan ng 3rd Quarter. sabihin na nating NAPIKON na ako sayo.. Kahit bestfriend kita.. For the first time, napuno na ako sa pinagsasasabi mo saakin.. Ako naman itong si Masyadong Curious, tinanong sa magulang ko kung 'Panget' ba talaga ako.. Kinomfort lang nila ako at sinabing.. 'anak hindi ka panget, kung sino man ang nagsasabi sayo nian, wag mo nalang pansinin'..
Hindi ko naman masabing, 'ma, pa, bestfriend ko po kasi ang nagsabi saakin eh, pero malaki po ang tiwala ko sakanya, kaya po naniniwala ako sa mga sinasabi nia..' kasi nga bestfriend kita! Ayaw kong mapahamak ka.
Pinalampas ko nalang lahat ng sinasabi mo tungkol saakin.. Last Day na ng fourth quarter, exam na. Pero yun at yun padin ang bati mo saakin araw-araw na makikita mo ako..
-Summer Vacation-
Bakasyon na, sa text, puro "hoy panget!" padin ang natatangap ko mula sayo, kaya nagbago ako ng number, yung hindi mo network para hindi mo ako matext, USELESS. Kasi nalaman mo yung bago kong number, at nagtetext kapadin duon.. Dahil sa walang katapusang mga text mo ng 'Hoy Panget!'... Nagreply ako.
To: Owen
"himala at nagkaroon ka ng load para sa ibang net! -_-"
Nagreply ka naman kaagad..
From: Owen
"wala ka ng pake! Hoy panget!"
Ako namang reply din kaagad.
To: Owen
"wat ever! Tsss... "
Last text ko na yan! At hinihiling ko padin na sana tumigil ka na.. Matagal tagal ka bago magreply kaya, nagdiwang na ako noong mga oras na yun.. Pero nagtext ka.
From: Owen
"aba! May pa-wat ever wat ever ka na ha! Nagiba ka na ba?! At saan mo nakuha yung 'Tssss' may iba ka bang ka-text?!
- pasalamat ka bestfriend kita, natitiis kita! :) at dahil alam ko na hindi ka nabubuhay ng walang cellphone, titigil muna ako sa pagtetext sayo, happy vacation panget! ;) - "