REVENGE 2

24 4 0
                                    

Guys. Short update lang. Hehe. Sorry kung matagal akong mag update, isa po kasi akong estusyante at walang wifi. Hahaha. :)
Yung naka italic po pala guys, throwback po yun. Hehe. :)

Enjoy, vote and share. :D

Mwahugs. :*

----

"Ayos ka lang ba talaga?" Pang sampung ulit ng tanong ni clarisse habang abala sa pagpunas ng aking buhok sa likod.

Nandito kami ngayon sa loob ng CR abala ako sa pagtupi nang aking damit na nabasa kanina.
Nakaharap kami sa malaking salamin. Solo lang namin ang CR ngayon dahil class hour at kaunti lamang na estudyante ang nasa labas.
Nakita ko ang pag aalala na bakas sakanyang mukha.

Napabuntong hininga ako. "Hay. Oo nga. Okay lang talaga, pangsampung tanong mo na yan. Sanay naman na ako no." Pilit kong ngiti sakanya.

Napairap siya sa sinabi ko. "Ugh. Nakakaasar talaga! Bat ba kasi ang bait mo? Tsk. At yun namang isang yun, Gwapo nga ubod naman ng sama ng ugali." Nakasimangot na sabi niya.

Napahalakhak ako. "Kaya nga ayaw na ayaw ko sakanya diba?"

"Yea. Ano pa ba talaga ang dahilan mo at ayaw na ayaw mo kay Wind?" Nanunuring tanong niya.

Iniabot niya saakin ang tuwalyang ginamit niyang pamunas ng buhok ko.
Inayos ko muna ang pulang tuwalya bago sagutin ang tanong niya.

Bumuntong hininga ako. "Hay. Sige na nga ikwekwento ko na." pagsuko ko

Napangiti siya ng malawak. "Alrayt. Tara na, dun tayo sa canteen."

Tumango nalang ako at sumunod sakanya. Pagkalabas namin ay tamang tamang pumasok ang grupo ng mga babae. Tinignan nila ako ng ulo hanggang paa at ngumisi.

Nagsalita ang babaeng nasa harap nila, na parang ito ang leader nila.
"Oh, look who's here." At Humalakhak ito.

Napayuko nalang ako at umiwas. Gaya nga ng sabi ko, ayoko ng atensyon. Napairap si clarisse duon sa babae at hinila nalang ako.

"Ugh konting konti nalang talaga. Masasabunutan ko na yung mga babaeng yun. Nakakaasar akala mo naman ang ganda eh sobrang kapal naman ng make up. Jusko. Nakakaloka sila. Umagang umaga." Mahabang sabi niya.

"Ano kaba! Hayaan mo na."

Patuloy ang paghila niya saakin.
"Tumatawa ka pa talaga! Gosh. I can't believe you! Nagagawa mo pang tumawa kahit inaapi ka! God, my god." Hindi makapaniwalang sabi niya.

Lalo akong natawa dahil mas affected pa siya saakin. Napailing ako. Sobrang daldal talaga ni clarisse kahit ubod siya ng yaman ay wala siyang arte sa katawan. Sobrang ganda niya pa.
Hindi nga ako makapaniwala na sa dami ng gustong makipag kaibigan sakanya ay ako ang nilapitan niya. She's so kind. And I really love her.

Hindi ko nalang siya sinagot dahil nakarating na kami sa cafeteria, pagpasok namin ay nakuha na namin agad ang atensyon. Tulad nga ng sabi ko ayoko ng atensyon kaya yumuko nalang ako.
Nilingon ko si clarisse ngunit parang hindi siya apektado sa mga estudyanteng nakatingin saamin. God, ang tibay talaga niya.

Nang nakahanap na kami ng upuan ay umupo na siya agad at tila parang handang handa ng makinig. Umupo narin ako at nilapag ang mga gamit ko.

Ngumiti siya saakin. Aish. Ang ganda talaga ni clarisse, nakakatibo.

"O, dali na sis. Excited na ako." At humalakhak siya.

Napailing nalang ako.
"Hay. Oo na, oo na." Sagot ko nalang.

Pumalakpak ito.
"Alright." Nakangising sagot nya.

Hay, hindi na talaga ako makakatakas sa babaeng to. Tinignan ko siya at titig na titig ito sakin. Hay sige na nga.

1st year highschool ako noong unang araw ko sa bago kong paaralan, dito sa SLIU. Sobrang saya ko at naipasa ko ang scholar, oo, may scholar na kahit 1styr HS palang, kakaiba kasi itong school na ito.

Habang naglalakad ako at papunta ako sa aking classroom ay may nabangga akong mag isang lalaking tumatakbo na parang may hinahabol.
Dahil sa payat at maliit ako nuon, at siya ay matangkad at malakas, natumba ako at dahil nahawakan ko ang damit niya, pati siya ay nasama,

"Shit. Fvck." Rinig kong mura niya. Bigla akong napatingin sakanya dahil sa salitang lumabas sa bunganga niya. Napatigil ako. Wow. Ang gwapo naman neto. Napatulala ako sakanya. Matangos na ilong, singkit na mata, Pulang labi. Omo. 13 palang ako. Lumalandi na ako.

"Ahm, miss, who-ever-you-are, alam kong makalaglag panty ang kagwapuhan ko, kaya nanigas kana yata diyan at hindi kana makatayo, pero sana naman pakibitiwan na ang damit ko kasi may hinahabol ako. Tss." inis na sabi niya.

Napabitaw agad--

"Eh, sis ang tinatanong ko naman kong bakit hate mo si wind eh." Putol at Reklamo niya saakin.

Napairap ako. "Oo nga, wait lang. Diba gusto mo din malaman kong pano ko naging crush si... err, alam mo na." At humagikgik ako. Feeling ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.

Pangalan palang niya kinikilig na ako.

"Hanla, sis. Anyare sayo? Sa tagal nating magkaibigan ngayon mo lang ikwekwento sakin yan? Ganyan ba ang epekto ng pagbuhos ni wind ng tubig sayo kan-"

Pinutol ko siya.
"Shh. Saglit lang itutuloy ko na okay? Wag mo ng putulin. Nabibitin ako." Reklamo ko.

"Oo na. Dali sis."
Tignan mo to. Pinutol putol ako tapos biglang nagmamadali. Napailing nalang ako at nagpatuloy.

Napabitaw agad ako sa damit niya at feeling ko ay nagsidaluyan ang lahat ng dugo ko pataas at napunta sa mukha ko sa sobrang hiya.

Inirapan nya ako. "Ugh. Nawala tuloy siya." Tila parang naluging sabi niya. Tumingin siya saakin. Nasa amin narin ang atensyon ng mga mangilan ngilang estudyante na nasa hallway, maaga pa kasi.
Naka upo parin ako at hindi pa nakakatayo dahil hindi parin ako makapaniwala na sobrang gwapo niya.

Iniabot niya ang kamay niya saakin na ipinagtaka ko. Tinignan ko siya sa mata. Para bang inis na inis siya at hindi ko magets ang ginawa niya. Yumuko siya at hinablot ang kamay ko at tinulungan akong tumayo. Napa nga-nga ako.

Yung kamay niya. God. Nahawakan ko.
Namula ako at pinipigilan ang ngisi. Ikaw ba naman gwapo mahawakan mo ang kamay niya?

Bumuntong hininga siya. "Sa susunod kasi mag ingat ka. Hay." Sabi niya at tumalikod na saakin.

Sa pagtalikod niya ay hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Shocks.

Napatingin ako sa baba at pinulot ang mga gamit ko, naagaw ng atensyon ko ang isang leather black wallet.

At dahil curiousity kills the cat, pinulot ko to at Binuksan. Nagulat ako sa nakita ako.

Napatingin ako sa harap ko para tignan kong nakalayo naba yung gwapong lalaki na nabunggo ko, wala na siya.

Napatingin ulit ako sa wallet.

Thomas Grey Santiago..

Napangiti ako ng malawak.





----------

Alright. To be continued sa next chapter. Hahaha. Tyaga lang po sa update guys. Hihi :)

Revenge of an ANGEL.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon