Wala ba talagang Happy Ending

43 1 3
                                    

Sa mga taong nag sasabi na "kaya mo yan " at "strong ang personality mo" Oo kinakaya ko at Oo matapang ako, Pero hindi lagi kaya ko at matapang ako lalo na sa taong minahal ko ng buong pagkatao. kung kayo nasa lugar ko alam ko ganito din mararamdaman niyo. pinipilit ko kayanin pero minsan mali na pilitin dahil mas lalo ko lang sinasaktan sarile ko. binabawasan ko maging matapang kasi mahirap maging Matapang lalo na kung ang mahal mo ang kailangan mo ilagan, nakaka panghina ng loob, hindi ko nga alam pano na magiging plano ko sa buhay kung ang lahat ng plano ko kasama siya pano ako mag uumpisa mangarap ulit? Oo may pamilya ako at kapatid na ajan para sakin pero iba pa din pag yung taong nagpapasaya sayo at pinaparamdam na spesyal ka bilang ikaw, iba yung tao na natutuwa at minamahal ka na hindi mo kadugo.Sana sa lahat ng tao maintindihan nyo nararamdaman ko dahil hindi madali maging ako. Lahat ng bagay at ginagawa ko pinipilit ko na lang ultimo mag pakasaya pinipilit ko dahil sa sinasabi ng iba na malulungkot siya pag nakita ako malungkot, pano naman yung nararamdaman ko? nasasaktan ako kahit na nakakangiti ako minsan, pakiramdam ko pati sarile ko pinag sisinungalingan ko na. Hindi ko alam pano ako gagalaw sa tuwing iniisip ko na pano pag may pumalit yun ang kinakatakot ko dahil ayoko na may pumalit sa kanya, pakiramdam ko kasalanan ang palitan siya.

Wala ba talagang Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon