Everyone's Love Story
Chapter 3
Kiko's POV
Di ko parin makalimutan ang nangyari nung isang araw. Bakit ang lakas ng tama ko sa Bestfriend ko ?
Alam nyo guys, ako, kontento na ko sa kung ano kami. Alam kong marami sa inyo ang masyadong nag eexpect o nagaasume na balang araw magiging kayo din ng mahal mong bestfriend.Sorry for the word,hehe pero yun naman talaga diba ? Naexperience ko na kasi yan kaya nadala ako. Pero, mas marami pa din ang hindi nadadala. Ito tandaan nyo, Less expectation, Less pain. Di kasi natin inoopen ang isip natin sa kung ano ang dapat nating gawin para di tayo masaktan. Minsan, nagiging OA tayo kasi nasaktan ka ng taong mahal mo. Eh, alam ba nyang mahal mo sya? Di naman diba. Kaya, wag OA. Oh kung alam man niya, di na nya kasalanan ang masaktan ka. Dahil di rin naman nya kasalan ang mahulog ka sakanya.
Oo, wag OA. Nagfaflashback lang sa isip ko nangyari nung isang araw.
Nga pala. I'm Kiko. Francis Galang name ko. Si Sammy? Bestfriend ko yan simula 3rd year high school. It all started here.
Flashback
I'm such a bully,ever since i entered this school. Di ko alam kung bakit eh.
Tapos yun, may isang kapansin pansin sa mga babae kong classmate. Hiningi ko number nya. Sya lang kasi bukod tangi sa lahat ng babae kong classmate. Tapos yun, tinext ko sya. Kung may mali ba sakin at kung ano yun. Syempre, nabigla sya kasi sabi nya.
- ha? Ano tinatanong mo at bakit mo naman naitanong yan ?-
Sabi ko naman.
-Basta. Yung totoo Talaga sasagot mo ha ?-
Nagreply naman sya ng.
-Ahm . Oo, marami kang maling nagawa. Masyado kang bully na dapat hindi mo inuugali. Magbago ka lang, ok na yun-
Nasaktan ako sa sinabi nya, kasi totoo yun. Truth hurts ika nga. At di ko din alam kung bakit ko nasabi sakanya na...
-Thanks kasi prinangka mo ko. Nasaktan ako kasi totoo. Hmm. Pwede ba kita maging bestfriend ? Please ?-
At ang reply nya..
- Basta magbago ka lang bestfriend ! :)-
Natuwa naman ako sa reply nya at first time kong magkabestfriend na babae.
-Basta ikaw ! :) Tulungan mo ko magbago ha?.-
Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Dahil ba to sa babaeng binestfriend ko ?
-Sige ba :)-
Simula nun, naging bestfriend ko na si Sammy Cheng.
BINABASA MO ANG
Istorya ng Lablayf mo
FanfictionIsang kwento na punong puno ng storya. Mga storyang paniguradong makakarelate kayo. Ibat ibang kwento ng pagibig na puno ng leksyon. Ikaw ? Ano ba storya ng lovelife mo ?