A/N: Hindi po ito story. ito lang ang pananaw ko sa pagiging fangirl.
Buhay fangirl. Hindi madali ang mabuhay bilang isang fangirl. Akala nila easy easy lang tayo kasi yung mga idol natin "Mahal daw ang fans nila." Oo, sabihin na natin na mahal nga nila ang fans nila. Pero bakit hindi nila ito pinapakita? Pag isa kang fangirl, wala kang ibang gagawin kundi umasa. Umasa na mapapansin ka din nila balang araw. Yung tipong kahit matweet limit ka okay lang matweet mo lang sila. Yung magpupuyat ka sa harap ng computer para lang maabutan yung follow spree nila. Hindi madali yun.
Minsan madami nang nagsasabi sayo na "Tama na. Itigil mo na yan. Obsessed ka na." Obsessed na kung obsessed. Pero wala tayong magagawa, ganun talaga eh. Mahal natin sila. Kaya kahit naiinsecure na tayo sa sarili natin kasi pakiramdam natin invisible na tayo, patuloy pa din ang pagsuporta natin sakanila. Kasi sila ang nagpapasaya satin.
Minsan, naiisip na lang natin na "Tama na. Ayoko na. Wala din naman ang mga efforts ko. Ganun din. Wlang success." Madalas nating nasasabi yan. Kasi totoo nga. Pero at the end of the day, maiisip mo na lang na hindi mo kayang wala sila. Kung ano na lang mangyayari sa buhay mo kung wala sila. Kaya nandyan ka pa din kahit na wla silang pakealam sayo. Kahit na di ka nila pinapansin.
Oo, naniniwala ako na mahal nila tayo. Dahil kung di daw dahil sa atin, wala daw sila kung nasaan man sila ngayon. But people change. May mga tao na nasasarapan sa buhay sikat kaya nakakalimutang lumingon. Pero wala eh, kahit ganyan sila, mahal natin sila.
Minsan pa nga naiiyak ka na lang pag naiisip mong "Bakit ako di nila napapansin?" Yung tipong gustong gusto mo nang sumuko pero di mo kaya. Oo, baliw na baliw sakanila.
Kung mahal talaga nila tayo bakit ganun? Sabihin na nating ayaw ng Manager/Management na masyado silang makihalubilo sa fans, na ang mga security guards nila na ayaw silang palapitin sa fans. Pero ang twitter ba? kontrolado pa ng security? Madaming mga fans all over twitter na umaasang mapapansin sila. Naiintindihan kong mahirap kasi madaming fans. Pero yung trends na ginagawa ng fans? Di man lang ba nila magawang pansinin yun at magpasalamat? Diba? Isipin mo. Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.
This is the ugly truth: They will grow old, they will get married, they will have families of their own. But life goes on. Nung hindi mo pa sila idol nagawa mong mabuhay ng matino at masaya. At pag nawala sila, oo, mahirap. Pero makakaya mo yan.
Di ko to ginawa para mawalan kayo ng pag-asa. Para magising kayo sa katotohanan. OA ba? Pero ganyan ang buhay fangirl.
Nararanasan ko to ngayon. Isa akong fangirl. At mahal na mahal ko ang mga idol ko. Pero nandito na ako sa ganitong stage. Nararanasan ko lahat ng nakasulat jan. Pero kahit ganyan nararamdaman ko, umaasa pa din ako. at minamahal sila ng sobra sobra.
FANGIRL. ISA SA PINAKAMAHIRAP NA ROLE SA BUHAY. :(