--

16 1 0
                                    

"Cause For me it never ended. For you, it never existed."
--
"Cess! Ano bang ginagawa mo dyan sa ulan? Nababaliw ka na ba ? "

Siguro nga baliw na ako. Sino ba naman hindi mababaliw sa sitwasyon ko. Pero sana nga , nabaliw nalang ako. Kaysa araw araw kong danasin ang sakit.

"Huy cesssss! Tingnan mo to , bingi na naman . Linisin mo na kase yang tenga mo! Hindi ka pa siguro naliligo no?! "

Kanina pa ako naligo. Ngunit hindi maubos ubos ang mga luhang ito.
Kaya ako nandito. Sinasalubong ko ang ulang sumalo sa aking kalungkutan.
Minamasdan ko ang pagbagsak nito sa lupa at bumabalik saaking gunita ang mga panahong iyon .
Bumabalik saakin kung paano bumagsak ang lahat lahat ng dahil sa kanya.
Ang mundo ko. Ang kaligayahan ko .
Pati na rin ako.

Kanina ko pa nga sinusubukang saluhin ang ulan eh .

Bagay na hindi nya nagawa.

Tumanaw ako sa makulimlim na langit . Puno ng kalungkutan .tila ba may mabigat itong dinadalang suliranin .
Parang ako.
Lord, bakit? Bakit ang tanga tanga ko ?

"Huyyyyy!! Alam mo cess , pwede mo namang sabihin na hindi ka pa naliligo eh.  Wala ka namang dapat ikahiya "

Siguro nung ginawa  ako ni Lord, hindi nya natapos yung utak ko. Or baka nahulog ako sa lawa ng katangahan ng mama ko.

Tangina kase. College na nga ako , tanga ko parin. 

Makalipas ang ilang sandali ay nakaramdam ako ng sakit sa bandang braso ko
"Aray! Pucha naman Mae. Ano bang sumapi sa'yo at bigla bigla ka nalang nananakit?"
"Pucha ka rin! Kanina pa kita sinasaktan , ngayon mo lang na-feel.  Ikaw ata tong nasapian ng masamang ispirito eh "

Ha-ha-ha. Nasapian. Tulad dati,
Sinaktan na nga ako ng paulit ulit. Di parin ako pumalag.
Hudyat na nga ng pag alis ko, pinili ko paring mamalagi.

Ang tawag diyan?
One word, Ten letters :

KATANGAHAN.

"Hayyyy Princess ! Lutaw nanaman sa ibang galaxy yang utak mo ! Parati ka nalang bang ganito? "
"May.... Iniisip lang ako "
"Ang seryoso mo naman dai! Ano bayang iniisip mo? "
Ngumiti ako ng bahagya at sinabing
"Iniisip ko lang kung anong itsura ng mga papables na koreano kung nagdrama sila sa ulan habang naka suot ng manipis na sando ! "

"Haha. Baliw ka talaga. Kala ko naman brokenhearted ka.  Asus. Pinag alala mo ko. Halika na nga. Pumasok na tayo sa boarding house. "

Bakit ba tama ang lahat ng hinala mo?

"Marunong ka palang mag alala? Charrrr.  Nakakatouch. Tingnan mo oh , malapit na akong lumuha ng tamptax ! 😂.  Ano bang dapat mong ipag alala eh mas okay pa nga ako sa okay ! Tama pa naman ang sense of direction ko, Wala pa naman akong mental disorder, Di pa naman ako binugbog,Wala naman akong death threats ,  Di naman ako baon sa utang , wala naman akong pinagtataguan at higit sa lahat , wala namang masakit saakin!"

Mali.
Wala na nga siguro akong sense of direction dahil kahit anong gawin ko , bumabalik parin ako sakanya. Halos mabaliw na ako sa kakaisip sakanya at sa kung paano ako makakawala sa sakit na kanyang dinala. Sana nga binugbog nalang ako o makakuha nalang ako ng sandamakmak na death threats kaysa sa magdusa araw araw dahil baon parin ako. Baon parin sayo. Useless nga yung pagtatago ko sakanya. Hindi rin naman nya ako hinahanap.
At higit sa lahat.
Daig pa ng nararamdaman kong sakit ngayon ang pinagsama samang sakit sa katawan.
Masakit. Masyadong masakit.
Ang sarap sarap magwala. Ang sarap isampal sa mukha nya. Pero alam kong masasaktan lang ako lalo pag ginawa ko iyon.
Bakit?
Wala rin naman kase syang pake sakin. Magsasayang lang ako ng oras kakahabol sakanya.

"Feeling ko kase may something ka eh. Ang drama mo kase "

"Anong something? Anong drama? Nakahithit ka ba Mae? Alam mo namang walang ganon sakin "

Bakit ba napakasinungaling ko?

"Tara na nga , pumasok na tayo. Tama na yan Cess. Sobra na yang ginagawa mo. Tigilan mo na. Ikaw lang ang nasasaktan. "
"Ha?"
"Ang bingi mo talaga! Sabi ko.  Tama na yan. Masyado ka ng basa. Magkakasakit ka sa gingawa mo. Tara"
Hinila nya ako papasok.

--makalipas ang ilang sandali --
"Achuu"
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayo Cess ,  Pag alam mo na kaseng sobra na at hindi na tama , tigilan mo na . Ikaw lang ang napapahamak sa ginagawa mo"

"Ang drama mo naman mae. Sang planeta mo ba yan nakuha?"
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo cess? Epekto siguro to ng lagnat "
"Lagnat? May lagnat ako?"

Kinapa ko yung leeg ko. Ang init nga. 
"Kanina lang yan. Gaga mag pahinga ka muna"

Ang huling bagay na natinig ko bago dumilim ang paligid.

"D-Dumidilim ya--t-ta?"
---
To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WALANG FOREVER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon