Oh, my first story here on wattpad~! I'm a newb. OTL
Pasensya na po, medyo mas sanay lang mag-type sa English... hehe.
Ah, anyways, this still remains as an idea. Medyo busy po sa school kaya... hindi ko alam kung
kelan ulit makakapagdagdag.
... kung makapagdadagdag man. //gets shot
Oh well. Sana ma-tripan nyo pa rin to kahit medyo may kaguluhan ang prologue!
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Prologue:
Ako si Luzviminda Dela Cruz, 18 years old. Nasa college na ako, currently taking Bachelor of
Secondary Education, major in Social Studies. Certified NBSB. Sa maniwala man kayo o sa hindi,
maganda ako. Echos. Hindi naman sa pagmamayabang pero, promise, marami talaga ang
nagsasabi. Pero ewan ko ba, wala talaga akong interes sa mga lalaki. Alam ko, sa kanila ako
madalas bumabarkada, pero... wala talaga akong nararamdamang love para sa kanila. Nandidiri
ako kapag may nagsasabi sa akin na crush ako ni ganito o ni ganyan.
Hoy, alam ko ang Iniisip mo! Hindi ako tomboy, 'no! Actually, may kinaaadikan din ako na mga boys.
Madami akong crush na anime characters. As in, mamatay-matay na ako sa pagsesearch ng
pictures nila sa google sabay print at ipa-paste sa cover ng notebook. Pati nga books ko eh, tadtad
na.
Naisip ko lang... siguro noong past life ko, marami akong bad experiences sa love kaya ganon na
lang ang pag-ayaw ko dito. Well... hindi naman sa ayaw... walang interes, I mean.
Oh, medyo may pagka-pessimistic nga pala ako. Iniisip ko na wala namang seseryoso sa akin IF
EVER (with 1% chance) mai-inlove ako. Medyo may katangkaran ako para sa isang Asian na
babae. It's either mas matangkad or kasingtangkad ko lang ang karamihan sa mga lalaki.
Magulo din akong tao... tsaka moody. Kilala rin ako bilang ang-babaeng-walang-pakialam sa klase
namin... ever since elementary. Ni hindi ako nagsusuklay, nagpupulbo, at nagpapamango every
after classes. Na-adopt ko na kasi yung Japanese culture sa sobrang panonood ko ng anime at
pagbabasa ng mga manga. Yung, kung ano itsura nila pag-alis ng bahay, yun na rin lang pag-uwi.
Wala nang ayus-ayos. Ah, whatever. Bakit ko kailangang gawin yun? Wala naman akong
pagpapagandahan 'diba?
BINABASA MO ANG
I'm in Love With an Otaku
RomancePaano kung ang taong isa sa mga pinakamatalik mong kaibigan sa isang anime site ay kaklase mo pala sa tunay na buhay? Ano kaya ang mangyayari? Magkakailangan ba sila once na nalaman nila kung sino talaga ang nasa likod ng screen names nila?