Chapter 1 - Part 1

320 7 3
                                    

CHAPTER 1

Part 1

Unang araw ng pasukan. Yes. Third Year College na ako. Isang taon na lang at makakapagsuot na

ng itim na toga. ( = ヮ = )

"Lucy~!"

Narinig ko ang isang medyo matinis at nakakairitang sigaw sa labas ng bahay namin. Sumilip ako

sa bintana at nakita ko si Ica. Classmate and bestfriend ko sya since High school. Marami kaming

pagkakapareho at siya ang ang nakakaintindi sa pagkahilig ko sa anime... since mahilig naman

syang magbasa ng manga, particularly those of the romance genres.

"Oi, andyan ka na pala. Tagal mo! Kanina pa akong bihis!"

Sigaw ko sa kanya habang lumalabas ako ng bahay.

"At ako pa ang matagal! Whatever... taralets?"

Tumango lang ako at nagsuot na ng sapatos.

On the way.

"Iniisip ko lang, magiging kaklase pa kaya natin si labidoods sa kung anumang subject?"

tanong sa akin ni Ica na may kasamang pagpuntong hininga. Si 'labidoods', yung crush nya na

medyo may pa-yabang effect na kaklase namin sa isang subject last school year. Adik sa Dota at

mukha namang manggang tinubuan ng mukha , maputi lang at matangkad. Ano nga pangalan

nun? Nomer yata. Ah, ewan.

Para namang napaka-big deal kapag hindi namin sya naging kaklase... Big deal nga ba? Di ko

alam eh.

"Ewan. At wala akong pake,"

"'To naman o, di man lang magbigay ng moral support," sabi ni Ica na may kasama pang

pagnguso.

Ngumiti lang ako na may halong pang-iinis at dumiretso na kami sa pagkukuhanan ng schedule.

YEEEEEEESSSSSS! Ang swerte swerte! Walang akong schedule ng Saturday~ Woohoo! Yosh,

marami akong oras para makapanood ng animeeeee~

"Hoy Lucy, parang ang saya-saya mo yata? Kainis, walang klaseng pang-Saturday, mababawasan

ang oras kong makapiling si labidoods kung sakaling maging classmate pa rin natin sya,"

Ngumuso na naman sya. Yes, mahilig syang ngumuso pag naiinis o kapag di sya convinced.

Then dumiretso na kami sa una naming klase.

Doon kami umupo sa unahan since medyo may kalabuan na ang mata ko, pero ayoko

magsalamin. I looked around... sa mukha ng mga kakalase ko, sa appearance ng room, sa labas

ng bintana, at sa pagtulo ng tubig mula sa aircon.  (~ = ヮ = )~

"Lucy, Lucy!"

Napakunot ako ng noo nang bigla akong siniko ni Ica.

"Ano ba't naniniko ka diyan?"

"Si labidoods!" bulong nya sa akin.

Napansin namin na may kasama siyang isa pang lalaki. Medyo kayumaggi sya, hindi kagwapuhan,

at mukhang magkalapit kami ng height. Napataas ako ng kaliwang kilay ko nang mapasin ko na

medyo kahawig nya si Austria, isang character sa anime na Hetalia. Siguro dahil nung nunal.

Umupo sila dun sa kabilang hilera, pero sa unahan din at katapat namin.

Dahil medyo may katagalan yata ang professor namin para sa subject na yon, nagdrawing na lang

ako. Hilig ko ang magdrawing ng anime kapag bored ako.

"Mahilig ka rin pala magdrawing?" tanong sa akin nung lalaki na kasama ng labidoods ni Ica.

I'm in Love With an OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon