Guess Who

5K 220 27
                                    

Tanghaling tapat na ngayon. Kasing init ng ulo ko ang sikat ng araw dahil sa magaling kong kakaklase.No,let me scratch that first. Bestfriend ko nga pala..ata.

Bakit ata? Kase masyadong malabo.Malabo para sakin.

"Sorry na kase.Eto na nga ginagawa ko na oh.Nanginginig pa." Inangat nya naman nag kamay nyang may hawak ng ballpen para ipakita ang kunwaring panginginig na kamay nya.

Ngumiti pa sya na parang tuwang tuwa pa sya.

Pasalamat ka talaga gwapo ka.

Nasabi ko na lang isip ko.Hindi ko yun masasabe sa kanya ng harapan.Mahirap na baka lumaki pa ang ulo nya.

Isa pa,hiya ko na lang sabihin yun sa bestfriend ko no? Na slash ding..mahal ko.

"Ewan ko sayo Ian.Padating na si Sir Ramirez. Wala na talaga. Bagsak na tayo sa finals dahil sa kapabayaan mo." at naghalukipkip na lamang ako. I just rolled my eyes. This is so irritating.


Napakamalilimutin nya kasi. Alam naman nya na ngayon ang deadline ng project namin at malaki ang maidadagdag na points namin dun para sa grade namin sa third quarter. By partners kase yun,nagawa ko na yung part na gagawin ko habang sya hindi eh pa natatapos. Ilang stanza pa ang isusulat nya at may drawing pa yun.

Ten minutes na lang talaga. Ten minutes nalang dadating na si Sir. Sa tingin kaya nya matatapos nya yung kulang in ten minutes? Ewan ko na lang talaga.

"Chill lang Clyte,nararamdaman kong hindi tayo babagsak." Saka nya ko kinindatan habang may matatamis na ngiti ang sumilay mula sa labi nya.

Nalaglag na naman sa sahig yung puso ko.

Agad akong nagiwas ng tingin. Nagiinit na naman yung mukha ko.Mahirap na, baka mapansin nya. Sigurado akong tutuksuhin na naman nya ko.

"Uy yung bestfriend ko oh! Kinikilig na naman sa’kin. Gwapo ko talaga!"

Ganyan naman lagi ang ibinabanat nya sa’kin. Lagi nyang dinadaan sa biro kahit ang totoo eh nararamdaman na nyang totoo yung mga sinasabi nya. Na kinikilig naman talaga ako sa kanya.

Kahit naman hindi ko sabihin o aminin sa kanya, alam kong hindi sya manhid at nararamdaman nya yun. Yun nga lang,hindi pwede ‘tong nararamdaman ko. Bukod sa 'bestfriends' lang kame. May iba syang gusto.

How ironic right? Mas close naman kami. Mas kilalang kilala nya na ako. So..bakit hindi na lang ako?

"Classmates!" Lahat kami eh agad na napalingon sa may pintuan.Alam naman namin na si Class President lang ang may ganong katinis na boses."Wala si Sir Ramirez ngayon.
Wala tayong klase sa Values now."

Guessing Game (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon