Isang linggo nang wala sa sarili si sandy nagaalala na ang mga magulang, kapatid at kaibigan niya sa sitwasyon niya ngayon..sa tuwing kakausapin siya ng mama niya ay tila wala siyang naririnig sa mga tanong nito, nakatanaw lang sa malayo at umiiyak... Masakit sa isang ina na makita ang bunso at unica hija niya sa ganong kalagayan.... Kahit anong pakiusap nito na maging matatag at tanggapin na lang ang mga pangyayare at wag sirain ang sarili nito at malunod sa kalungkutan ay tila di pumapasok sa utak ni sandy ang mga sinasabi ng kanyang ina, kahit sabihin pa ng mga kapataid at kaibigan niya na kahit anong mangyare ay di siya iiwan ng mga ito sa kanyang laban ay di pa rin naiibsan ang nararamdaman niyang sakit...sakit na tila pakiwari niya ay wala nang katapusan, sakit na tumatagos hanggang kaluluwa niya... Sakit na hindi na mawawala kahit kailan... Sakit na kahit sinong napakatapang na tao sa mundo ay di kayang dalhin...sakit na kayang wasakin ang buong pagkatao mo!!! Halos wala na siyang mailuha pa, pakiramdam niya sa sobrang sakit ay wala na siyang maramdaman manhid na ang buong katawan niya, wala nang luha ang pumapatak sa mata niya... Buti pa ang luha tumigal na sa pagluluksa, pero siya bakit di niya magawa? Bakit kailangan niyang pahirapan ang sarili? bakit mahirap tanggapin ang mga nangyare sa buhay niya? Dahil ba nagbigay siya ng sobra kaya sobra din ang sakit na nararanasan niya ngayon? Mali bang magbigay ng sobra sobra sa taong minahal mo ng buong puso at kaluluwa? Mali ba ang pinangarap niya na makasama ang taong pinakamamahal niya at binigyan niya ng karapatan para hawakan at angkinin ang puso niya ng buong buo? Napakaraming tao sa mundo bakit sa kanya pa nangyare ang lahat ng ito? Ano ang nagawa niyang kasalanan bakit siya pinaparusahan ng ganito? Naging mabuting anak, kapatid at kaibigan naman siya ah.. Wala siyang tinatapakan na tao, bakit niya nararanasan lahat ito? Ang dami niyang tanong na kahit isa walang sagot ang kalooban niya...
Lumaki si sandy na punong puno ng pagmamahal andiyan ang mga magulang niya, ang daddy niya na mahal na mahal siya, ang tatlong kuya niya na kung ituring siya ay isang prinsesa, ang mommy niya na lagi niyang takbuhan sa lahat oras..kung tutuusin maswerte siya sa buhay niya kahit hindi ganun karangya ang pamumuhay ng pamilya nila pero nakapagtapos silang apat na magkakapatid sa pribadong paaralan... Teacher ang mama niya at inhinyero naman ang papa niya, matalino si sandy, mabait na anak, maaalalahanin na kapatid, mapagmahal na kaibigan, masayahin na bata parang lahat ng problema ay di mabigat pag dating kay sandy coz she always deal it with a positive vibes.. Ang mantra niya kasi sa buhay "Problema ka lang!! Tao ako mas matalino at madeskarte pa rin ako sayo" para sa kanya lahat ng problema may solusyon, lahat nang tanong ay may kasagotan at lahat ng pagsisikap ay may kapalit na tagumpay...pero sa nangyare sa buhay niya ngayon bakit nakalimutan na niya ang mga iyon?? Hanggang isang araw naisip niyang maglakad lakad muna gusto niya nang ibang hangin sa paligid gusto niya na may makitang ibang tao ang mga mata niya habang naglalakad siya hindi niya pa rin maiwasang maisip ang mga nangyare sa buhay niya andun pa rin ang kirot, sakit at puot na nararamdaman niya.. Dinala siya ng mga paa niya sa isang lugar kung saan tanaw niya ang buong city di niya namalayan na nasa mataas na lugar na pala siya malayo na ang nalakbay ng mga paa niya pero wala siyang maramdang pagod, ni kirot ng talampakan niya sa mahabang paglalakad ay hindi niya naramdaman.. Dahil ba napuno na nang sakit ang puso niya kaya wala nang maramdaman ang katawan niya?? Habang tinatanaw niya ang malawak na paligid hindi niya maiwasang maluha napakaganda nang mga tanawin napakaganda nang mundo kung tutuusin pero bakit hindi niya maappreciate ang mga iyon? Bakit d man lang nabawasan kahit konti ang sakit na nararamdaman niya ngayon kahit nakatanaw siya sa napakagandang tanawin?? Sa malalim na pag mumuni muni niya naisip niyang wakasan na lang ang buhay niya total wala na namang halaga iyon, kahit siguro balikan pa niya ang mga alaala ng kahapon masasaktan pa rin siya kaya mas mabuti pang mawala na lang sa ganung paraan matatahimik na siya at hindi na makaramdam ng pagdurusa at pangungulila handa na siyang talunin ang bangil na kinaruruonan niya nang may biglang kumakaripas na motorsiklo... Natuon ang atensiyon niya sa taong may dala nun... Matangkad ang lalaki, matipuno, gwapo sana kaya lang madumi ang itsura mahaba ang balbas parang isang linggo na hindi naligo ito at ang itsura nito parang nasakluban ng langit at lupa lantang lanta.... Lumapit ang lalaki sa kinaruruonan niya pero tila yata hindi siya napapansin nito at biglang sumigaw....
YOU ARE READING
OUR SUICIDAL HEART
RandomThe most darkest part of your life is the best moment of your existence...