Drei's POV
Andito kami ngayon sa Mini Forest na lagi naming tinatambayan. Hindi sya forest na nakakatakot o pangit . maganda dito, Basta yun na yun!
"Ugok yang si Vin, bakit di kaya pumasok Yun!"
"Na-lock sila nung Liz na sinasabi nya. Tinext nya ko kaso hinayaan ko na lang.."
"Parehas tayo. Moment nilang 2 yun eh" natatawang sabi ni Alap.
"Oh sige Drei, lika na! Punta na lang tayong canteen"
Nakarating na kami sa Canteen at napakadaming babae nanaman ang nagtitilian! Curse them...
"Iba talaga pag gwapo"
Saming 3, Si Alap talaga ang Pinakamayabang. Pero may ipagyayabang yan dahil Running for Valedictorian at Sila pa ang May-ari ng school.
"Waaaaaaaahhhhhhhhhhh" napatakip na lang ako ng tenga .
May nahagip ang mata ko..
"Haha sabi ko sayo eh. Trip ka talaga ni Sir"
Namumula sya, kinikilig ba o naiinis?
"Ewan ko nga eh . di ko kasi maintindihan yung lesson nya sa Science"
"Titig na titig huh? May gusto ka sa Freshmen na yan noh?" biglang sulpot ni Alap.
"Wala, Kadiri!"
"Kaya pala grabi ka makatitig. "
"Tama na nga..."
Napatingin ulit ako sa direksyon nya. Nagtama ang mga mata namin at sya ang unang umiwas.
"Mae, Lika na. Wala ng table oh" pilit nya dun sa babaeng kasama nya.
Napatingin sakin si Alap at biglang ngumisi.
"Uy dito na lang kayo!" sigaw ni alap. May plano sya, Ramdam ko!
"Dun na tayo kila kuya" ..
Umupo silang 2 sa Tabi namin. Bale ganto...
Ako/Alap
*lamesa*
Sya/kaibigan nya"Mga Freshmen, bakit nyo naisipang dito mag-lunch? Diba may malapit na Canteen sa inyo?" - Alap
"Mas malaki po ang canteen ng 3rd at 4th year eh"- kaibigan nya
"Ah, kilala mo ba kaharap mo?" Tanong naman ni Alap.
"Ah opo. Pinagkakaguluhan din po kayo ng mga Classmates namin"
Di ako nagsasalita.. Di din sya nagsasalita ..
"Eh ano bang pangalan mo?"
Ngumiti yung kaibigan nyang babae kay Alap.
"Mae po."
"Eh sya?" Sabay turo Kay....
"Cheska po"
Cheska? Yun pala pangalan nya.. :))
"Ah, sige kumain na kayo"
Tahimik lang kaming kumakain ..
Nagkatinginan kami at ngumiti sya sa akin kaya ngumiti na lang din ako.
Cheska... Ikaw pala yung babaeng nagbibigay sa akin ng Cupcake..
Nice to meet you.. :)
A/N: ok sino si Cheska sa buhay ni Baby drei ko? Anong magiging parte nya sa Story.. Abangan na lang natin. Wahaha gumaganern na XD
BINABASA MO ANG
Take it Or Leave It?
Teen FictionPaano kung Nainlove Ka sa taong Hindi Ka MAHAL.. Pero natutunan ka ding Mahalin? ano bang Gagawin?? Take It or Leave It?