BITIW

25 0 5
                                    

Nandito ka ngayon sa isang convenience store . matiyagang naghihintay sa isang taong dahilan kung bakit may namumuong luha sa mata mo . Kung bakit kinakausap mo ang sarili mo kung tama ba ang gagawin mong pagbitaw sa isang taong higit na minahal mo pa kaysa sa sarili mo.

Kasabay ng pagubos ng ice cream na binili mo ang kawalan mo ng pag-asa na dadating sya . Dadating at makikiusap na sana walang matatapos sa inyo . Kalahating oras na , umaasa na makikita mo sya na naglalakad kasama ang mga taong tumatawid , o kaya'y isa sya sa mga pasaherong bababa sa jeep. Lumalamig na ang gabi pero alam mong hindi ito dahil sa ice cream o ang nakatodong aircon sa loob ng convenience store, kundi lamig dala ng lungkot, lamig na nakakamanhid. Nakaramdam ka na ng awa sa sarili mo . tumayo ka at nagdesisyong umalis .Hanggang sa mag-ring ang cellphone mo .Pag-asa. Tuwa . Nang makita mo na sya ang tumatawag .

"Hello.? Nasan ka na ?"

" Pupunta ako dyan .Nasan ka ?"

"Nandito pa ko. Naghihintay ako"

Pagkatapos ng ilang minuto nakikita mo na syang papalapit sayo , ang tumatakbo lang sa isip mo eto yung taong mahal ko , eto yung taong dahilan kung bakit ako iiyak, kung bakit ako nasasaktan. kung bakit ako tanga at manhid . Pero sa kabila ng lahat siya padin yung taong dahilan kung bakit ayokong bumitaw ,kung bakit natakot akong mag-isa .

================================================

*author's note*

woops . opo bitin talaga sya . HAHAHA . abangan ang mga susunod na kabanata . ^--^ thanks sa mga nagbasa . comments please !!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon