Chapter 1

10 0 0
                                    

Isang masamang babae ang tingin sa kanya. Ang mga nakapaligid sa kanya tinuturing siyang mangkukulam. Walang gustong lumapit, walang gustong makipag-usap. Tanging ang apatnaput-anim taong gulang na kasambahay ang lumalapit sa kanya, ang nagtatyagang kausapin at alagaan siya. Hindi niya masisisi kung ganito nalang ang tingin ng mga tao sa kanya. Mailap siya, ayaw niyang makipag-usap sa iba lalong-lalo na sa hindi niya kilala, tahimik siyang tao, mahilig magbasa at laging nasa sulok dahil ayaw niya sa masyadong maliwanag, minsanan lang kung lalabas siya ng bahay, hindi siya palasalitang tao, ngunit madaling uminit ang ulo niya kaya may nagagawa siyang hindi ayon sa mga mata ng iba.

Ito ang gusto niya, ang layuan siya ng lahat. Wala syang karapatang sumaya, dahil isa syang pagkakamaling dapat mawala at mabura. Tama lang ang paghihirap na nararanasan niya ngayon. She deserves it all.

***

Tumigil siya sa pag-guhit nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan.

"Sumi, nakahanda na ang pagkain. Ilalagay ko na lang dito sa labas. Iha, wag kang magpakagutom, kumain ka ha? Oh siya, aalis ako papuntang palengke. Pagkalabas ko, ilock mo yung mga pinto. Mahirap na, maraming mga sira ulong umaaligid dito satin. Sige, babakod na ko. Wag kalimutang kumain!"

Dumaam ang ilang segundo mula nang umalis si nanang, nakatingin lang siya sa nakalatag na papel sa mesa.
Kung titingnan mo, napaka-normal, ginuhit na mukha ng babae. Pero kapag tititigan mo nang maiigi mararamdaman mo ang mga kakaibang emosyon. Lungkot, sakit at pighati. Unti-unti siyang nainis sa ginawang obra. Agad niya itong kinuha, nilamukot at tinapon sa sahig. Mahilig siyang gumuhit. Isa ito sa mga talentong ipinagmamalaki niya, noon. Ngunit dahil sa isang pangyayari, hindi niya na magawang tingnan ang sariling mga gawa. Dahil iisa lang ang pinahihiwatig nito. Sakit.

Padabog siyang tumayo at nagpakad palabas ng silid. Agad niyang nalanghap ang bango ng pagkaing nasa mesa sa gilid ng pintuan niya. Agad umangat ang gilid ng mga labi niya sa nakita. Swerte paring matuturing dahil may isa pang taong nag-aalala para sa kanya. Si nanang.

Kinuha niya ang tray at bumaba sa sala. Ngayung mag-isa nalang sya, pakiramdam niya malaya sya. In-on nya ang T.V, umupo at nagsimulang kumain. Lumipas ang ilang oras nang biglang umiba pakiramdam niya. Parang hindi na sya nag-iisa. May naririnig siyang kaluskos sa gilid ng bintana na galing sa labas ng bahay. Naalarma sya narinig. Agad syang napatayo sa gulat nang makarinig ng nabasag na bagay.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon