Part One: Pangalwang Araw

1 0 0
                                    

Nakatingin ako sa bintana habang ang iba ay nakikipagdaldalan sa aking mga kaklase. Nagmamasid masid ako sa room tapos bukas ang electricfan at naka 2 yung intensity.

Buong Klase: Magandang umaga po Gng. Leonisa
Gng. Leonisa :Magandang araw rin naman magsiupo na ang lahat

Lahat kami ay umupo na at sabi ng teacher namin ay mag-ayos na daw ng bag at maglilipatan na raw kami ng bag. Binitbit ko ang bag ko habang yung iba ay nakikipagdaldalan sa katabi nila.

"John Aaron Reyes, dito ka sa unang upuan. Katabi mo si Thea Denise Virtusio" sabi ni Gng.

Ako naman ay nanahimik at pakiramdam ko ay pinagbubulungan nila ako. Pakiramdam ko ako lang sa klaseng ito ang mag-isa sa sobrang haba kong magemote ay binanggit na rin ako.

"Severino De Ocampo, dito ka sa 2nd row katabi mo si Angelica Mary Roxas." sabi uli ni Gng

Si Angelica ay isang bata na kagaya ko rin ay tanging ina lamang ang nagtratrabaho dahil di sinusuportahan ng ama ang aming pamilya. Bigla kong binuhat ang bag ko at umupo ako malapit sa kanya at naghi sa sakin at naghi rin naman ako.

"8-Stupeflix po ba ito?" sabi ng isang G10

"Oo utoy. Anong kailangan mo?" sabi ni Gng

"Pinapatawag daw po si Severino De Ocampo ni Ms. Padilla sa 5th floor sa tapat daw po ng MAPEH Room. May ipagagawa lang daw po siya sa kanya" sabi ulit niya

"O Severino tawag ka raw."

Dahan dahan ako lumakad at may nanakid pa saakin tapos bigla na lamang akong nadapa. Nakita ako ni Gng. Leonisa at sabi ko may pinulot lang po sa sahig. Ayaw kong umamin kasi natatakot ako. Takot akong magsabi ng totoo dahil mas malalaki sila saakin.

--**--**--
Habang ako ay umaakyat sa 5th floor dumaan ako sa 3rd floor sa tapat ng Chemistry Lab at may napansin ako na parang may tao sa loob nito. Merong nag-aaway tapos may ginagawang kung ano-ano sa isang estudyante ng isang guro.

(Author's Note: Ang ibang scenes po dito ay di base sa totoong buhay at dinagdagan ko lamang po para magkaroon po ng twist ang kuwento)

Pagkatok ko ng 2 beses sa pinto ng MAPEH Room ay kaagad lumapit saakin si Ms. Padilla at pinaupo ako sa upuan katapat ng table niya. Binigyan nya ako ng sandamakmak na tasks. Ito ay ang irecord ang lahat ng grades namin sa activities simula sa araw na iyon. Agad naman akong sumunod at dinala ko lahat ng notebooks na pinasa namin nung first day eh di naman ako pumasok nung first day kase kauuwi lang namin noon from Manila. Kaya agad akong nagsimula na di nalalaman ng iba na ako'y nagsisimula ng magrecord. Pinapapasa ko lahat ng notebooks habang ako ay nagpupuyat kaka-tally ng grades namin sa notebooks.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Hidden AttributeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon