Saturday

25 2 0
                                    

Nasa kwarto ako ngayon at katext ko ang bestfiend kong si Cherry tungkol sa crush kong si Nathan.

BesCherry: So anong plano mo ? Magpapanggap ka na lang na friend lang din turing mo sa kanya ?

Me: Siguro. Ganun na nga bes . :(

BesCherry: Hay naku bes ikaw talaga basta 'pag may problem d'yan kay Nathan sabihin mo lang ah sasapakin ko 'yan .

Me: Grabe naman . Kaya ko 'to friend naman ang turing ko sa kanya dati eh.

BesCherry: Bahala ka. Ge push mo 'yan. Sige na bes sleep na 'ko . Ikaw din 'wag ka nang magpuyat at may date pa kayo ng mga boy friends mo bukas haha. Good night!

Me: Okay poooo! Good night din !

Pagkatapos kong isend, in-alarm ko naman ng 5:30am at nilagay ko na 'yung cp ko sa table ko katabi nitong kama.

Tumagilid ako at tumingin sa bintana. Tanaw na tanaw ko ang bahay nila Nathan, magkakatabi lang kasi kami ng bahay.
Ganto ang ayos ng bahay namin:

Ako | Nathan | Troye

Cherry | JJ | Paul

By the way si Troye, JJ at Paul mga close friends ko na yan simula nung bata pa kami pati rin si Nathan. At naging close 'din sila ng kuya ko simula 'nung nakikita n'ya na lagi kong kasama silang apat. Isang taon lang ang agwat ko sa kuya ko he's 17 while i'm 16. Magkakaedad lang kaming anim si kuya ang pinaka matanda ng konti lang naman.

Bigla akong napatingin sa wall clock at nagulat ako nang makita kong 10:35pm na. Umayos ako sa pagkakahiga ko at pumikit.

Sana maging masaya ang araw ko bukas...

~*~

"Apple gising! Apple gising! Apple gising!"

Napadilat ako kaagad nang marinig kong nag-a-alarm 'yung phone ko. At oo Apple ang pangalan ko, Apple Jane Paloma. Pagkatapos kong mag-unat naligo na 'ko at habang nasa cr ako narinig 'kong kumatok si kuya sa pinto ng kwarto ko. "AJ! Ayos ka na ba ? Dalian mo bumaba ka na pagkatapos mo d'yan para maaga tayo." "Oo eto na!" Sabi ko naman habang nagbibihis.

Hay nako excited na ko.
Saturday morning i love youuuuu!

Gan'to ang gawa namin tuwing umaga ng sabado at linggo. Basketball lagi tas ako naman 'yung taga hawak ng tubig -...- ewan kung 'bat ako pumayag na water girl nila. Siguro kasi mahilig akong manuod ng basketball lalo na pagkasama sila tsaka 'di naman ako nagdadala eh sila naman ako lang tagabantay 'pag naglalaro na sila. Ang saya kasi nila kasama. 'Pag tuwing napapahinga sila ako taga sabi kung ano 'yung comment ko sa laro nila. Gan'on kami lagi pero 'nung nakaraang taon lang bigla ko nalang naging crush si Nathan.

"AJ! Bilis nandito na sila!" Sabi ni kuya James sa 'kin mula sa sala.

"Oo patapos na 'ko!" Sabi ko naman. Kumakain pa kasi ako ng almusal eh.
Pagkatapos ko takbo agad ako palabas. Narinig ko pa si mama "Magdahan-dahan ka namang bata ka."
"Bye Ma!"
"Mag-ingat kayo ha."
"Opo."

Nang makalabas ako ng gate nakatingin silang sahat sa 'kin.
Tulala sila?

"Hi ! Good morning guys! Tara na?"
.
.
.
Wala pa ring simasagot.
.
.
"Tss. Umayos ka nga Apple may cheese ka pa sa gilid ng labi mo..." Sabi ni Nath.
.
.
AT BOOM! TAWA SILA NG TAWA -...-
.
.
"Ang ganda ng bati ko sa inyo tas ganyan bungad n'yo sa 'kin?"
Kung 'di lang kita gusto sinapak na kita.

" 'Wag naman ganun. Hahaha." Sabi ni JJ. Minsan 'di ko rin alam kung 'bat eto pinaka close ko sa kanila samantalang lagi n'ya rin akong inaasar.
"Hahaha lagot kayo 'di na umiimik si AJ haha!" -Paul

Friendzoned [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon