1

33 0 0
                                    

  COPYRIGHT © 2013

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the prior written permission of the owner, except where permitted by law.

----- 

“Annika!”

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa building ng Department namin ay narinig ko na ang pangalan ko.

“Baby, I missed you so much.” Sabi niya sabay yakap sa akin.

Hindi na ako nagulat sa ginawa niya. Lagi niya rin namang ginagawa yan simula nang sagutin ko siya. Si Jeff nga pala, boyfriend ko.

“Ano ka ba Jeff, para namang hindi tayo nagkikita. Halos magkasama nga tayo last week eh. Kulang na nga lang pati weekends magkasama tayo. Ang OA mo ha.”

“Yun na nga eh. Kulang pa sa akin yung weekdays na magkasama tayo. Dapat lagi kitang nakikita. Alam mo dapat dalasin ko na ang pagpunta sa bahay niyo. Tumutulong nga ako sa gawaing bahay eh, ako na nga nagpapaligo kay Hachi. Oh diba para na kitang asawa, kulang na lang baby.” Sabi niya ng nakangisi.

“Tapos kapag nagc-crave ka nililibre naman kita.” Paliwanag niya pagtapos ay kinuha yung bag at libro na hawak ko.

Binigyan ko siya ng isang sarkastikong tingin.

“Ah oo, sinabi ko ngang gawin mo lahat yun. Jeff, nakakasawa."

Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko dahil nakita ko sa mukha niya, pero  hindi ko na lang pinansin. Totoo naman ang sinabi ko. Iniisip ko pa lang… ugh.

Hindi naman kasi ako yung tipikal na girlfriend. Bawat oras magkasama kayo na para kayong kambal tuko.

Ayoko ng ganun. Gusto ko ng space para sa sarili ko. Sinabi ko naman sa kanya yun simula pa lang, pero heto siya, parang isang obsessed fan na ayaw akong mawala sa landas niya. Nakakasawa na.

Nakarating na kami sa tapat ng room ko kaya kinuha ko na sa kanya yung mga gamit ko.

“O sige na. Papasok na ako. Pumunta ka na sa room mo.” Sinabi ko sa kanya.

Pumasok na ako sa loob at iniwan siyang walang masabi.

Umupo na ako sa upuan ko kung saan katabi lang ng close friend kong si Cara.

“Hey girl, what’s up with the face?” tanong niya habang nakapangalumbaba.

“Eh, si Jeff kasi. Parang isang love-sick puppy. I get it, sweet siya, mabait siya, nandyan siya palagi, pero parang sobra eh. Nakakasawa.”

“Huh? Girl, ayaw mo pa nun? Hindi mo ba alam na twenty percent ng mga lalaki sa mundo ay kagaya ng jowa mo? Hard to find yan ah! Extinct!”

“Eh basta, naiirita ako sa kanya ngayon.”

“Annie, kung ayaw mo, hiwalayan mo.” Sinabi niya na ikinagulat ko naman.

“What? No! M-mahal ko siya Cara.”

“Pero bakit nauutal ka? Hindi ka sure? SInagot mo siya so dapat sure ka. Alam mo sa totoo lang, parang tinetake advantage mo lang siya. Yun ang nakikita ko.”

Hindi na ako nakasagot dahil dumating na ang prof namin. Inisip ko naman ang sinabi ni Cara sa akin.

Tinetake advantage ko nga lang ba si Jeff?

            Natapos na ang mga klase namin kaya dumeretso na ako sa café na pinupuntahan namin ni Jeff. Nagdadalawang isip pa nga ako dahil naiinis pa ako sa kanya, pero tinuloy ko na. Nakita ko siya sa loob.

Don't Let GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon