Chapter 6: Friends?

47 9 1
                                    

Comment po please..

Para ma enhance ko po yung story :-)

---------------------

JAYSON'S POV

Gumagawa kami ngayon nang sabon sa chemistry class namin. Pink yung pinili kong kulay kasi napansin ko mahilig si stef sa pink.. kaya lang di ako masyadong creative eh! Kaya nilagay ko nlang sa plastic cup, oh diba unique? Parang si stef unique sa paningin ko.

Bakit puro ako stef! Etong babaeng to. Mula nung makita ko siya di niya na tinantanan tong isip ko. Tumatambay na dito eh!

Bakit ba kasi hindi niya parin ako pinapansin.

Andito kami ngayon sa Classroom nila, ewan ko ba dito kay Kent bakit gustong gusto tumambay dito.

Nasa labas lang ako para makita ko pag paparating na si stef, at sa di ka tagalan tanaw ko na siya.. bakit ba sa tuwing nakikita ko siya nagmamarathon tong dibdib ko.. kulang nalang lumabas!

Hi stef!

Di ako pinansin. Kainis.
Pero si kent pinansin niya! Hindi to mamari! Kailangan nang best plan!

Tinabihan ko siya sa upuan niya. Nagulat siya pagka upo ko. Eh! Kasi naman titig na titig kay Kent. kinulit ko siya ang binigay sa kanya yung pinaghirapan kong sabon kanina.. pero parang di siya natuwa. Mas gusto niya siguro yung gawa ni Kent. Pinaghirapan ko din naman to ah!

Kinukulit ko siya. Ayaw niya pa rin akong pansinin. Kaya tinanong ko siya kung bakit hindi niya parin ako napapatawad. Kainis naman kasi! Grabe na yung pagpapapansin ko sa kanya di parin ako pinapansin.

Stef? Can we be friends?



STEF'S POV

KAIBIGAN????? ikaw? Id rather Go to hell"

Napayuko si Jay

Ewan ko ba kung bakit kumukulo ang dugo ko sa lalaking to..

Pero naisip ko parang nagiging harsh na ako sa kanya..

Kaya tinangap ko yung pakikipagkaibigan niya..

Oh! Sige nah! FRIENDS na tayo! - me

^___________^ at napangiti ang loko!

Yey! Friends na tayo huh? Wala nang bawian! - jay

sana di na to makulit! Sana di ko pagsisihan tong disisyon ko.. sana..

Recognition at Graduation day nah!!!!!

Sa School kasi namin separate yung ceremony for the graduation and recognition.
Morning yung Graduation tsaka afternoon yung Recognition .

Diba nga sabi ko sa inyo na kasali ako sa creative dramatics kaya whole day akong may presentation..

Kami kasi yung naka assign for the Opening salvo.

Nandito kami ngayon sa dressing room. Nandito lahat nang kasali sa opening salvo. Nag aayos na kami for our presentation. Mag bibihis na sana ako nang costume pero may tao sa cr kaya napagpasyahan ko na sa likod nalang nang pinto magbihis nagpatulong nalang ako kay jheulia.
Habang nagbibihis ako biglang pumasok si Jay at i sasarado niya sana yung pinto..

Kaya napasigaw ako!

Hoy! Nagbibihis ako!

Kaya nagulat si jay. Di niya kasi alam na may nag bibihis sa pinto.

Wag kang mag alala, kung makita ko man yan pakakasalan naman kita eh! - jay

Medyo nag loading ako dun. Dun ko lang napagtanto nung nag react na yung lahat nang tao sa dressing room.

Langya talaga to si Jay! Syeeeettteee pesos!





Tinawag na kami.. para maka punta na sa mga pwesto namin. Nasa gilid ako nang stage at .. hahahaha.. makakapaghiganti na ako ..

Sila Jay kasi ang na assign for the Colors.. at kasalukuyan akong nandito sa gilid nya.. hahaha.. diba pag hindi pa binaba yung flag eh di dapat sila gumalaw? Hahaha.. (pilya mode activated)

Dinidistruct ko si jay para tumawa siya.. nag make face ako.. para ma distruct siya.. pero matigas talaga gilagid nang taong to eh!

Kaya di ako nagtagumpay. At nag present na kami.


Hapon na. At Recognition na naman. Sunod sunod yung presentation namin .. kaya sunod sunod din ang palit ko nang damit.. costume neto, neto tsaka neto! Nagpalit na naman ako nang uniform para umakyat sa stage at kunin yung award ko.. syempre ang papa at mama ko yung nagsuot nung medalya ko. 3rd honor kasi ako sa sa overall 1ST year. Grabe ! Nag absent talaga yung mama at papa ko sa work para lang maka attend dito sa recognition day ko.. at syempre para makabawi ako todo performance din ako .

Natapos na ang Recognition day. Nag ayos na ako nang mga gamit ko.. nauna na din sila mama at papa umuwi. Marami pa kasi akong inaayos. Habang nag aayos ako bigla nalang akong tinanong nung kasama ko sa creative dramatics. Siya si ate Grace. Kaklase siya nila kent at Jay.

Stef? Crush mo daw si Jay? - ate grace

Huh? Sino namang nagsabi sayo nyan? - me

Si Jay. Sabi niya mag gusto ka daw sa kanya.- ate grace

Ang kapal talaga nang mukha nung lalaking yun! Ako may gusto sa kanya? In his dreams! Pinagkalat pa talaga?

Sa galit ko.. hinanap ko siya! Nakita ko siya sa may covered court tumutulong sa pag lilinis.. pinuntahan ko siya.. at sinigawan.

Hoy! Jay ! Bakit mo pinagkalat na may gusto ako sayo? Ang kapal din nang mukha mo! Wala ka tlagang kwenta!

Sa galit ko napaiyak ako. Hindi ko na siya hinintay makapagsalita at tumakbo na ako papalayo sa kanya.. at sa pagtakbo ko nakasalubong ko si kent. Kaya pinigilan niya ako at niyakap.

Ehmeyged!

Niyakap niya ako hangang sa naging ok na ang pakiramdam ko.

Pwede dito nlang ako palagi sa luob nang yakap nya? :-) yeiiiiiiiii... ang bango niya.. lumandi pa tlaga eh!

JAYSON'S POV

Nagalit sa akin si stef., umiyak siya sa harapan ko. Di ko maintindihan ang sinasabi niya..

Tatanungin ko sana siya kung anong sinasabi niya . Pero bigla siyang tumakbo.

Hinabol ko siya! Parang tinusok ang dibdib ko nung nakita kong tumulo ang mga luha niya..

Pero mas sumakit ito nung nkita ko si Stef na Niyakap ni Kent...

Parang sinaksak ako sa dibdib..

Ako dapat yun eh! Ang tanga tanga ko!




-------------------------

Salamat sa pagbabasa

Mag uupdate ako.. baka bukas :-)

Vote and comment po :-)

Destiny can prove it!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon