Chapter I

149 1 0
                                    


ALYSSA'S POV

This day would be my first day in college, I'm so excited but a part of me was nervous! Di nyo ko masisisi, firstime in college eh :)

Ang tagal naman nung mga kaibigan kong unggoy, they are Kim Fajardo, Aeriel Patnongon, Mika Reyes, Ara Galang, Mela Tunay & Bang Pineda.. Yes unggoy po sila! Jk. At sabay-sabay kaming magbrebreakfast ngayon dahil after this minsan nalang kami magkikita-kita. You know College life, masyadong busy....

"Alyssa!!!"
"Baldoo!"
"Baby Ly?"

Speaking of the monkeys they're here na.

"Ma! Luto na ba yung breakfast?! Andyan na sila." sigaw ko kay mama na nasa kusina naghahanda ng pagkain. Pagbaba ko sa hagdan, usual bukas na ang pinto at naunahan nanaman nila ko sa kusina -.-

                Greta-Kim-Mela-Ayel
Papa-                                              -Mama   
                Ako-Bang-Mika-Ara

Yan ang pwesto namin habang kumakain, mukhang gutom talaga sila dahil walang nagsasalita ni isa. Natigil lang ang katahimikan ng biglang magtanong si Greta..

"Guys naalala nyo pa ba si Dennise Lazaro?" seryosong tanong ni Gretta. Lahat kami nakatingin sa kanya even mama and papa.

"Hindi ba yun yung nag-aaral sa CSA  na volleyball player?" - Bang

"Yung maputi?"- Ayel

"Yung maganda?"- Ara

"Yung crush ni Alyssa?"- mama

"Pero hindi sya pinapansin."- papa

"Ma matagal na yun, at pa pinapansin naman ako nun kahit papaano." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Pinapansin ka lang pag may kailangan sya o di kaya pag may pinapasabi sayo noon si coach"- panlalaglag sakin ni kim.

"Fine, oo na. Atleast pinapansin nya pa din ako at nakakausap ko sya!"- pagamin ko at pagmamayabang sakanila.

"By the way Gretch, bat mo natanong?"- Bang 

"Balita ko kasi isa sya sa mga bagong import nang ateneo and take note sya daw ang magiging libero."- Gretch

Biglang nagliwanag ang mukha ko sa narinig ko kay gretta, grabe magiging schoolmate ko na sya at pagnakataong pumasa ako sa try-out magiging teammate ko pa sya. Ugh i cant wait! Bigla tuloy akong naexcite pumasok. Tapos magiging ....asdfgjjkl.

"Ly? are you okay?"- Gretch

"Oo naman." sagot ko. I think tapos nakong kumain at ready na para pumasok!

"Eh bat parang bigla kang namula?"- takang tanong ni Kim. Hinawakan ko ang pisngi ko at mainit nga ang mga ito, pagtingin ko sakanila nakangiti sila nang nakakaloko.

"Ganyan talaga pagkyut kim namumula, Di mo alam no? Di ka kasi kyut eh! bleh,hahaha." asar ko sakanya at baka kung saan pa mapunta ang mga sasabihin nila. Natawa naman silang lahat sa naging reaksyon ng mukha ni kim na nagpout.

"Tama na yan at baka umiyak na itong si Kim, sige na mag-ayos na kayo para hindi kayo malate."- mama

"YES MOMMY!!"- All even papa. Mommy ang tawag nila kay mama pagkaganyang pinapagalitan o inaasikaso sila, si papa naman may pasok pa sa office kaya sumabay nadin samin palabas.

Lahat sila ay may dalang mga sasakyan ako lang wala.
Sasabay lang ako kay Gretch ngayon dahil sayang ang gas, since college na ko dapat marunong na ko magtipid.

@CAR -------

Si gretch ang nagdadrive at ako ay nasa backseat, ayaw nya ko katabi. Maarte yan eh! hahaha joke, ewan mas gusto nya daw katabi yung bag nya eh. Nakatingin lang ako sa bintana nang bigla syang nagtanong.

"Ly bat ganon reaksyon mo kanina?"- gretch

"huh? anong reaksyon?"- taka kong tanong

"Kanina, nung sinabi kong import sya ng ateneo."- tanong nya habang nagmamaneho.

"Sino?"- kunwaring di ko naalala

"Si Den, Yung love of your life mo nung High School."- ngiting aso si gag*

"Stop it Gretch, wag na natin syang pag-usapan."- aasarin lang ako ng aasarin nito eh.

"Why? totoo naman eh diba?" natatawang tanong niya.

"Oo na lang gretta, magfocus ka na nga lang dyan!"- sagot ko.

Biglang sumeryoso ang mukha nito, nakikita ko ito sa rear mirror. "Dont tell me Ly di ka pa din nakakamove-on?"- seryosong tanong ni gretch.

Natahimik ako bigla, dahil alam ko sa sarili kong mahal  ko pa din sya. Mahal ko pa din yung taong sinaktan ako noon nang sobra, yung taong muntikan ng maging dahilan ng pagkasira ng buhay ko, yung taong pinag-mukha akong tanga, yung taong ginawa akong yaya, yung taong pinaglaanan ko nang oras at panahon pero lahat lang ng iyon ay nasayang. Hindi naging kami pero hanggang ngayon hindi ko parin sya makalimutan.

"Tsk.tsk! Andto na tayo."- Gretch

Di ko namalayan na andto na pala kami, so this is it. Una kong bumaba ng sasakyan. Tinignan ko muna ang buong paligid, huminga ako ng malalim at ngumiti. Tinapik ako ni gretch. "Let's go."-gretch

Inakbayan ko si gretch at bumulong "Pano ko makakapagmove-on? eh di naman naging kami." at nginitian ko sya ng malaki. Sinamaan lang ako ng tingin nito at tinanggal ang kamay ko sa kanyang balikat.

"Ang bigat ng kamay mo! ganon din yun unggoy, minahal mo eh."- gretch. Nauna syang naglakad sakin, hahaha. Naasar si singkit! Ang bilis maglakad, tumakbo ko para sabay kami kaya lang BOGSH!  nagkabungguan kami nung ate. Sakit! parehas kasi kaming tumatakbo kumbaga pacross ang takbo namin. Nako! mukhang umiiyak yung babae nakalagay kasi yung dalawang palad nya sakanyang mukha at tumataas-baba ang kanyang dalawang balikat.

"Ah, miss may masakit ba sayo? gusto mo dalhin kita sa clinic?" tanong ko dun sa babae. Tinanggal nya ang dalawang palad nya sa mukha nya, namumula ang kanyang ilong at dalawang pisngi at may pumapatak na luha sakanyang mga mata. Tinignan nya lang ako, tapos tinignan nya yung direksyon na dapat pupuntahan nya. Tumingin sya ulit sakin at tumalikod, nakatulala lang ako sa babae hanggang sa naglakad na ito paalis at mawala na. Nakatayo padin ako doon at speechless, di ako makapaniwalang sa ganoong way kami ulit magkikita. After 2 years nakita ko sya ulit.....

-----

Ano kayang maganda na idugtong? Comment pls. mga kaAD☺

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love me like you do ❤(alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon