Caleb Reyes

1.7K 37 3
                                    

RATED SPG

"Shoot! Yun lang pala eh. Easy peasy, bro!" tsk! Wala man lang ka challenge challenge ang pinapagawa nila. Ano bang klaseng bet to?

"Tangna! Ang yabang mo!" natatawang sabi ni Dax sabay taas pa ng baso ng alak nya.

"Putcha! Kiss 100 girls in a week?! Baka nga one day lang tapos ko na ang pinapagawa nyo! Wala bang mas mahirap dyan? Walang challenge! Wala pala kayo eh." nakangising sabi ko pa. Hindi sa nagyayabang pero sa aming tatlo, ako talaga ang habulin ng mga babae. Kung paramihan lang naman ng mga naikama kong mga babae, wala pa silang kalahati sa mga naikama ko na.

"Gusto mo ng challenge?" tanong ni Mat sakin at nakangiti ng nakakaloko. Tangna parang ayoko ng ngiti nya ah.

"Nakakatakot ang ngiti mo. Ano ba yun?"

"Kasama dapat si Sharon Santos sa mga yon." walang pasakalyeng sabi ni Dax.

"Fuck! Bakit sya?!" hysterical na tanong ko. Alam naman nila na ex ko yun at pag ex ko hindi ko na pinapansin pa. What more kung halikan pa kaya?!

"Pre, bakit SHA raw? Pwede ba raw wag SHA?" nakakalokong bwiset ni Mat.

"Oo nga. Iba nalang kaya basta wag lang SHA." segunda pa ni Dax.

"Oo nga. Wag lang ang GREATEST LOVE nya na SHA!"

"Mga puta kayo! Sige! SHA nalang!" naiinis kong sabi sa kanila at inisang lagok ang alak na hawak ko. Nagtawanan lang ang dalawa at nag high five pa!

Fuck me!

--

"I need a favor from you." kanina pa ko kinukulit ng ugok kong ex na si Caleb Reyes!

Hindi ba sya makaintinde na ayokong makipag usap sa kanya? Bakit ba after four months ng paghihiwalay namin eh ngayon lang sya nagparamdam? At kung makahingi ng favor parang may utang na loob pa ko sa kanya! Na kung tutuusin sya naman ang nakipag break sa akin.

"Look, busy ako ok? Wala akong time sa mga kalokohan mo." napapagod na sambit ko sa kanya. Maaga akong pumasok ngayon dahil bagot na bagot na ko sa dorm. Hindi ko naman ineexpect na ngayong araw na gusto kong mag relax lang sa library ay ang araw din na pepestehin ako ng walangyang ex ko.

"All i need is.." humihina ang boses nya at inilalapit pa ang mukha nya sa mukha ko. Magkaharap kami sa pandalawahang mesa sa may sulok kaya walang masyadong tao sa paligid namin. Pero dahil tahimik kaya lalo pa nyang hinihinaan ang boses. "One kiss."

Ha? Ano daw?! One kiss?! Nahihibang na ba to?! Bakit ko naman hahalikan ang ex ko? Yung walangyang ex ko?!

"Ano naman magagawa ng halik ko kung sakali? Bakit may bet ba kayo?" yun lang ang naiisip kong dahilan nya para gustuhin nya kong halikan. Alam ko naman kasi kung gaano kaloko ang magkakaibigan.

"Yes! Dammit! Dahil lang yon sa bet!" he hissed. Nagulat pa rin ako sa inamin nya kahit na may hinala na ko. Napaka babaw naman nyang pumatol sa isang bet. Ano ba ang pinapagawa sa kanya? Halikan ang mga naging ex nya? Tch! Ang babaw talaga! Bakit ko ba minahal ang lalakeng to?

"What's the catch kung hahalikan man kita?" pinagkrus ko ang mga kamay ko at umirap pa.

"Whatever you like. Name it!" ikinumpas pa nya ang mga kamay nya at sumandal sa upuan nya.

"Fine!" ano bang pwede kong ipagawa dito?

"Ok! Fine!" nakangising sinabi nya at pinag krus din ang mga kamay nya.

"Well...???" nakakunot noong tanong nya pagkatapos ng ilang segundong pagtitigan namin.

"Be my boyfriend for a week. Hindi ka titingin sa ibang babae. Ni hug o kiss di mo gagawin o hawakan man lang sila in any malice way."

The Betting Game - Caleb ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon