First Note: A PromiseThe winds blew softly. Hinawi ko ang buhok na ginulo ng hangin. Napakabanayad ng dampi nito sa aking balat. Gayundin, ang pagtama nito sa mga dahon ng puno. Kaya naman kay sarap sa pandinig ng bawat langitngit na dulot nito sa mga sangang marupok. Animo'y bagong musika.
"S-Sophia!" Rinig kong pagtawag sa akin ng kababata. Bakas sa tono ng boses niya ang matinding pag aalala. "Reese."
Hindi lingid sa iilan ang ganda ng tanawin rito sa may burol. Ngunit dahil sa aming pamilya ang lupain na ito ay limitado lamang ang nakakapamasyal. Sa hindi ko alam na kadahilanan ay ayaw itong ibukas sa publiko ng aming angkan.
"Nandito ka lang pala. Kanina ka pa nila hinahanap." Aniya habang pinipitas ang sumisibol na bulaklak at nilagay iyon sa kanyang tainga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Uwi na tayo?"
Ngumiti ako at pinagmasdan lamang siya habang malambing na nagsasalita. Ang ganda at ang amo talaga ng kanyang mukha. Tamang repleksyon lamang ng pagkatao niya. Masuwerte talaga ako at may kaibigan katulad niya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit labis ang pasasalamat ko sa kabila ng lahat.
Muling umihip ang hangin. Ngunit di kagaya ng kanina. Ito'y marahas at may kasama pang lamig.
Perpektong makakapaglarawan sa akin estado. Ang akalang banayad na pamumuhay ay bigla pa lang magiging marahas. Mapanlinlang at mapanira. Kagaya ng hangin, hindi ko nakitang paparating.
"Bakit ka nga pala nandito?" Umupo siya sa tabi ko habang naghintay sa aking paliwanag. Marahil ay ramdam niya ang kagustuhan kong manatili pa roon.
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang kalagayan. Ayokong maging malungkot ang mga alaalang iiwan ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya.
Dumiretso ako rito matapos naming magpunta sa doktor. Akala ko sintomas ng simpleng sakit lang ang mga nararamdaman ko. Pero mali ako. Marami pala talagang namamatay sa maling akala. Nakakalungkot lang na dadagdag pa ang bilang ko.
Matapos akong matignan ng Doktor ay sinabi nilang magpahangin daw muna ako sa labas at kakausapin ang mga magulang para sa resulta. Nagtataka man ay sinunod ko ang utos nila.
Nasa labas na ako noon ng kwarto ng maisipang bumalik para sa aking panlamig. At doon ko narinig ang mga salitang nagpaguho sa aking mundo.
I am just seventeen.
"I'm sorry Fred. Sophia has lung cancer."
Too many dreams.
"Stage four."
And one of them is to turned Eighteen.
"I'm very sorry, Martha. But you need to be strong."
Gusto kong sisihin si Papa. Awang awa ako kay mama.
Gusto ko silang lapitan at yakapin. Alam kong napaka sakit para sa isang ina ang mga narinig. Alam ko ring napakahirap para sa kanya na makitang parang kandilang nauupos ang isang anak. Sa kalagayan ko, alam kong mas nanaisin niyang siya nalang ang nasa lugar ko. Dahil napakahirap at napakasakit sa isang magulang ang makitang mauuna pa sa hukay ang kanyang anak.
Pero..
Paano naman ang nararamdaman ko? Ang sakit.. Ang sakit sakit. Nakakatakot na sa sobrang sakit.
"Noooo!" Hysterical na sabi ni Mama. Hindi matanggap ang narinig. "You are lying. Thats not true. My daughter is healty. My babyyy.. My babyyy.. Please, Jaime. Tell me thats not true! That you are wrong!"
"Martha!" Tawag ni Papa kay Mama. Ngunit hindi siya pinansin nito.
"Jaime, you are a Doctor. One of the best here in Cuidad de Victoria. Sabihin mo anong pwede naming gawin? Gagaling pa sya hindi ba? Gagaling pang anak ko! Wag mong sasabihing hindi dahil hindi ka Diyos!"
BINABASA MO ANG
Note to God
SpiritualGenre: Spiritual. Slice of Life. Type: Short Story Consists of Ten Notes, except Prologue and Epilogue. A short-inspiring-story that will show you how to dream. How to live when you're dying. And how to become an angel; An angel in a human form.