Ang Pagdadalaga

167 0 0
                                    

Ako si Jun Jun.

totoong pangalan? Ferdinand Jose De los Santos Jr. 

6 years old palang nag tataka na ako kung ano ba talaga ang gusto ko. Nahihilig na ako sa Barbie ni Ate. Tapos ang galing ko na din sa Ten-Twenty at Chinese garter ako pa nga yung Mother e! At lage pa nameng rules Dead Mother tira Baby. Aw! Tapos lage pa ako sinasali ni Marie sa bahay bahayan nila.

Ngayon 16 years old na ako. Pinipigilan ko ang nararamdaman ko. Kasi sabi ni Tatay mga BAKLA daw mga salot sa lipunan. Pero paano ko gagawin yun? E iba nga nararamdaman ko. Simula pa lang noon pinipilit na nyang laruin ko si Superman, oo nga nilalaro ko nga pero natutuwa ako kasi lake ng katawan ni superman tpos nasa labas ang Brief. Binibilihan nya ako ng robot, di nya alam nagiging anak lang yun ni Barbie at Ken sa Bahay bahayan ko. 

''JunJun! Bakla ka ba?'' tanong ni Papa.

''Ha? Hindi no pa! Lalake kaya ako!'' sagot ko.

''ee bakit me Notebook dito na Hello Kitty?'' tanong ni Papa. 

''Ha? yan Pa? ahh ee sa GirlPrend ko yan hiniram ko lang'' sagot ko .

''Aba may Girlprend na din pala tong binata ko! Manang mana ka talaga sa Tatay mo, pakilala mo nga yan sa akin''

''aa sige pa! Dadalhin ko dito''

Patay! Ano yung mga nasabi ko kay Papa? Anong Girlfriend? nakakadiri.. Makapasok na nga! Teka bago ko makalimutan yung headband ko naiwan ko sa ilalim ng kama. Tinatago tago ko pa man din to kay Papa at kay Kuya.

Pag labas ko ng gate. Nakita ko ang Crush kong si Kevin. Ang cute talaga nya. Papasok na din sya sa School.

''jun! papasok ka na ba? sabay na tayo!'' sabi ni Kevin.

ewan ko pero sa loob ko kinikilig ako! ito na ba un Lord? ito na talaga? EEEEHHHHH!!!

''ahh sige tol. sabay na tayo''

Iba ang pakiramdam ko ng mga panahong iyon. Parang kinikiliti ang puso ko. Ewan ko pa parang gusto kong hawakan ang mga kamay nya! 

''JUNJUN BADIIIIIINNNGG!! JUNJUN BADIIINNGGGG!! BADIINGGG'' ang pang asar sken ng mga bata sa kalye.

''Mga bata wag nga kayong ganyan,hindi dapat ganyan, di magandang ugali yan'' ang pagtatangol sa akin ni Kevin.

Iba ang saya na naramdaman ko. pakiramdam ko ako ang pinag halo halong pantaserye at fairytale pakiramdam ko mas maganda pa ako kay Beauty, kay Cinderella, kay Marina, kay Mutya.

''Jun ok ka lang?'' tanong nya!

Sheet !! ano ba to para akong binigyan ng Fairy God Mother. OMG!

''Ahh oo nman tol . Salamat ha!''

Nakarating na kame sa School.

''Sige Jun. Kita nalang tayo  ulet mamaya ingat ka!''

ang ganda ganda talaga ng smile nya . Crush ko na ata sya. Pero hindi pwede to! Hindi talaga!!!

HINDIII!!! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang PagdadalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon