2 years ago..
3rd year College ako sa Shin Hwa Academy kilala ako sa tawag nilang Catherine Yap pero ang totoo ko talagang name is Catherine Stacy Yap hindi ko sinasama sa pangalan ko yung Stacy nababaduyan kasi ako eh. Kilala akong napaka pasaway dito sa Shin Hwa hindi naman ako sa bobo pero magaling naman ako. Tinatamad lang ako ipakita sa kanila na magaling akong student.
Hindi din ako nambubully or bossy, tamad lang talaga ako. Period.
Umupo na ako sa first row bale katabi ko si Kale at sila Cess, Celine, Clarisse at Aishan. Mga kaibigan namin ni Kale na magka- kaibigan din simula nung HS palang.
Nandoon na din yung mga ibang kaklase ko at si Kale yung Prof nalang ang hinihintay namin. Chineck ko yung orasan, tama lang naman dating ko pero nauna pa din ako kesa sa Prof ko, ayos.
May pumasok na Prof sa classroom namin sya na yata prof namin. Gwapong gwapo naman yung mga kaklase ko sa Prof namin na nasa harapan ngayon. Infairness, may itsura din si Sir, maputi, tama lang laki ng katawan atska yung gupit ng buhok nya bagay sa kanya, matangos ang ilong pero hindi ko sya type. Jusko!
Tinitignan ko lang mga classmates ko na ang haharot kung kiligin kay Sir. Si Sir naman abala sa ginagawa may tinitignan syang papel. Habang tinitignan ko si Sir bigla syang napatingin sa akin kaya iniwas ko kaagad yung tingin ko. Baka isipin ni Sir may gusto pa ako sa kanya!
"Crush mo si Sir noh?" bulong sa akin ni Kale sabay tingin kay Sir.
"Hindi no. Gwapo sya pero he is not my type. Atska tigilan mo nga ako Kale Go" sabay irap ko kay Kale.
Hindi ko maiwasang tumingin kay Sir nung titignan ko ulit sya nagtanaw na naman mga mata namin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya o kaya may dumi ba ako sa mukha ganito nalang makatingin sa akin si Sir?
Iniwasan ko nalang tignan ulit si Sir.
"Okay class. I am not supposed to be your prof today kasi si Ma'am may inasikaso lang sya ngayon. So, nandito lang ako para i check attendance nyo" sabay tingin sa papel na hawak nya.
Na-dismaya yung mga kaklase ko sa narinig na hindi sya yung prof namin pero nag didiwang din sila dahil dismiss agad ang klase.
"Say present when I called your name. Okay?" sabi ni Sir.
Ang tagal pa ng pangalan ko baka dulong dulo pa ako neto. Habang nagtatawag si Sir napatingin na naman ako sa kanya parang may hinahanap syang ewan ko ba tapos bigla nalang syang napapatingin sa akin. Ano bang problema ni Sir?
Siniko ko si Kale na nasa side ko na nakikipag kwentuhan kay Celine.
"Uy, may dumi ba ako sa mukha?" bulong ko kay Kale.
Tinignan ako ni Kale parang tanga nga eh. Titig na titig sa akin parang napatulala?
Binatukan ko nga.
"Uy! Ano ba?!" pagtataray ko.
"W-wala. A-ang ganda mo kaya napapatitig ako sayo" sabi ni Kale na pautal utal.
Aba ang loko! Nag blush. 1st year palang kami mag kaklase na kami ni Kale actually, tatlo nga kami eh si Isha, Ako at si Kale. Nahiwalay nga lang si Isha ayaw nya daw ng pang gabi eh kaya nasa pang umaga syang sched.
"Nagkita na ba kayo ni Isha?" tanong ko kay Kale.
"Not yet. Pang umaga yun eh malamang hindi natin makikita yun." pilosopong sagot ni Kale.
"Kotongan kaya kita? Gusto mo ha?" sabi ko
sabay aktong kokotongan ko sya.
"Catherine Stacy Yap"
BINABASA MO ANG
Almost (Proffesor and Student Love Story)
Teen FictionAnd we can deny it as much as we want BUT IN TIME OUR FEELINGS WILL SHOW. ~