Since first story ko ito at hindi ko maidentify kung one shot o short story ba to, pagpasensyahn niyo na kung korni. I hope you enjoy this story. Maraming Salamat. ^_^
-AiMingRen ♥
Nainlove sa best friend ng hindi alam.
Pinilit kalimutan ang nararamdaman.
Anong magagawa ko kung habang tumatagal, mas lumalalim naman?
Ano bang dapat kong gawin?
Ang ipaalam ang lihim ko at isakripisyo ang pagkakaibigan?
O ang itago ito at patuloy na masaktan kung ikasasaya niya lang din naman?
Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Pink.
Hindi rin naman ito nalalayo sa personalidad kong mahilig sa kulay na ito.
Labing walong taon at maglalabing siyam na ngayong taon.
Ako’y simple lang na tao.
Ako yung tipong hindi kapansin pansin ng karamihan.
Ang masasabi ko sa sarili ko?
Hindi ako yung pangit na inaakala niyo at hindi rin ako yung maganda na nakakapagpa-iyak ng kalalakihan.
Masayahin ako, palakaibigan, mabait rin naman kahit papano pero ang hindi lang alam sakin?
Yun ay kung gano ako kamartyr o sabihin na nating Katanga dahil sa pagmamahal ko sa aking matalik na kaibigan.
Ang totoo niyan?
Hindi naman talaga ako magiging ganito kung nung una palang hindi na siya nagpakita pa ng motibo.
Eh ako naman itong umasang may kahulugan ang bawat bagay na ginagawa niya.
Ilang beses ko rin kasing naramdamang kiligin nang dahil sa kanya ngunit hindi niya alam ang mga iyon.
Naaalala ko nga yung unang araw na nakilala ko siya.
Hindi ko inaasahan na sa ganung paraan pa.…
-------------------- FLASHBACK
Sa Maynila ako nakatira noon.
Nasa ikalimang bahagdan na ako noong lumipat ako sa isang mababang paaralan sa isang probinsya kung saan nakatira si mama.
Wala akong kilala sa eskwelahan na yun.
Natatakot at nahihiya.
Yun ang tangi kong nararamdaman.
Parating nasa gilid ng silid aklatan nagbabasa.
Tahimik at laging nakayukong naglalakad.
Kapag nga may nakakabangga sa aking mga nagtatakbuhang estudyante, hindi ko pinapansin kasi natatakot akong mapasok sa anumang away.
Pero isang araw, nagbago yun.
Yun ang araw kung saan nagkrus ang landas namin.
Namin ng best friend kong, itago nalang natin sa pangalang Neil.
Tumatakbo ako noon kasi alam kong late na ako sa klase at siguradong mapapagalitan ako sa guro namin.
Sabi kasi sakin nung kapitbahay namin, matandang dalaga daw yung guro ko, kaya sobrang istrikto.
Isang silid nalang at makakarating na ako pero dahil sa isa ako sa mga pinakaswerteng nilalang sa mundo, natisod ako dun sa malaking batong hindi ko man lang napansin sa kakamadali na naging dahilan ng pagkadapa ko.
BINABASA MO ANG
My Best Friend is My Worst Heartache (FIN)
Teen FictionKung nararanasan mong maging martyr at magpakatanga sa pagmamahal mo sa bestfriend mo, anong mas pipiliin mo? Ang ipaalam ang lihim mong pagtingin na maaaring maging pagkasira ng inyong matagal ng pagkakaibigan o ang itago nalang ito at patuloy na m...