11 - Going Back to my Past Job

136 8 2
                                    

Dedicated to yoonricorn

Thanks sayo! Lalo akong na-inspired ituloy yung story!



Normal POV


Time check: 11:52 am. 8 minutes before Christmas. Gabing-gabi na, karamihan ay nagnoNoche Buena. Pwera sa isang kawawang pamilya.

"Ahhh~~ kawawa ka naman! Kita mo nga naman ohhh! 11:53 pa lang!!! hindi pa pasko. May seven minutes ka pa palang natitira."

Sinuntok niya ng isang matindi sa sikmura. Duguan na ang ginugulpi niya. Wala siyang awa.

"Papa?"

Napalingon siya sa batang nagsalita at unti-unti itong nilapitan. Nagpumiglas ang tatay ngunit hindi siya makawala dahil hawak pa siya ng kasamahan ng bumubugbog sa kanya.

"Maawa ka! Wag ang anak ko! ang bata pa niya! Pakawalan niyo na lang siya! Apat na taon pa lang siya! Hindi niya pa alam ang nangyayari!!!"

"Sino po ikaw?" tanong ng bata na nakatingin sa lalaking lumapit sa kanya.

Tumungin ulit ang lalaki sa kanyang relo (11:56) bago magsalita. Bigla-biglang nag-iba ang tono ng pananalita niya, para bang naging isang maamong tupa. "Ako ba? Tingnan mo ang suot ko~ sa tingin mo, sino ako?"

"Santa claus?! Gift ko ano?" ang walang muwang na bata ay natuwa pa. Kabaligtaran naman ng kanyang tatay na naghalo-halo na sa mukha ang dugo, pawis at luha.

Tumingin ang lalaki sa tatay ng bata. "Ang galing naman ng anak mo!! Katulad mo pala siya. Magaling ka rin ehhh!! Magaling magsinungaling!! Ahahaha!!!" sa isang saglit biglang nag-iba ang kanyang pananalita.

"Gusto mo ng gift? Ito ohhh. Gun yan!! Bang!! Bang!! Ang kailangan mo lang gawin. Matamaan yung ilalagay kong apple sa ulo niya. Tapos bibigyan kita ng gift!"

Walang kaalam-alam ang bata sa pinapagawa sa kanya. (11:59) Walang magawa ang kaniyang tatay kundi ang maluha na lang. Ang tanggapin ang lahat at ipagdasal na lamang ang kanyang anak.

Inihanda na ng lalaki ang mansanas sa ulo ng tatay. At sandali siyang binulungan ng tatay, "Wag ang anak ko." Ngunit lalo pa siyang binigyan ng isa pang suntok. Binalikan niya ang bata.

"Ready ka na? 1, 2, 3!!"

*BANG!!!! (12:00)

Namatay ang kaniyang tatay dahil sa kanya. Tsaka lang niya nalaman na mali pala ang nagawa niya.

"Christmas na!!! ayan gift mo!! Dead body!!!!! Ahahaha!!!" parang baliw na nagtatalon ang lalaki ng mabaril ng bata ang sarili niyang ama.

"Masama ka!! Papa!!!" pinaghahampas ng bata ang lalaki ngunit wala itong talab sa kanya.

"TAMA KA DON!!! Hindi lang masama!!! I'm the top badass!!!!"

*BANG!!!!

"V! anong ginawa mo?! Bakit mo dinamay yung bata?!" hindi na nakapagpigil ang kasamahan niya.

"UUGGHHH!!! Diba sabi ko sayo! Wag mo akong tatawaging V!!! You should always call me Second Fist Ares! Ares!! The god of war!! Wag kang makikialam!!"

Nilapitan niya ulit ang tatay nahumihinga pa pala at nasaksihan ang walang habas na pagkamatay ng kaniyang anak.

"Tibay mo!! Humihinga ka pa??!!! Taste this!!" binaril pa ni V ng makailang ulit ang tatay. At lahat ay sa ulo ang tama.

Who will I Choose? (SNSD FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon