ALIRA'S POV
Ilang araw narin ang nakakalipas simula noong makatanggap ako ng maliit na bear at note na galing kay "G". Naloloka na nga ako kakaisip kung sinong G yun eh, pero malakas ang kutob ko na si Gab yun. Binalikan na kaya nya ako? Pero bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa na may nagugustuhan na akong iba.
" A-lira.." Muntik na akong mapatalon ng biglang may magsalita sa likuran ko, agad ko naman liningon kung sino.
** DUG ** DUG ** DUG **
" E-eros, uy! Ikaw pala." Pinilit kong ngumiti kahit na parang aatakihin na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
" Ah.. haha, nagulat ba kita? Pasensya na hah.." Nahihiyang sabi nya at napahawak pa sya sa batok nya. Ang cute. *O*
" It's okay, by the way what are you doing here? Mag gagabi narin ah." Pag iiba ko
" Sinamahan ko lang si Mommy sa salon, tapos ayun nakita kita kaya nagpaiwan muna ako dito; baka kasi kailangan mo ng kasama." Paliwanag nya
" Ahh.. t-teka, Sabi mo your mom passed away 8 years ago, bakit yun? I mean, akala ko patay na sya bakit mo pa sya kasama nagsalon?" Takang tanong ko
" Step mom." Tipid na sagot nya..
" Ohh. I'm sorry..." Natahimik naman ako, wrong move Alira.
" It's okay." Napansin ko na napangiti nalang sya. Pilit nga lang. Ilang minuto din na walang nagsalita saamin, magsasalita na sana ako kaya lang naunahan nya ako.
" Gusto ko ng ice cream, may alam kabang malapit na ice cream parlor dito?" Ice cream?
" A-ah. Oo, ang alam ko meron jan sa tapat ng zxjnes coffee shop." Nagawa ko namang sumagot ng diretso kahit na mejo naguluhan ako sa tanong nya.
" Samahan mo naman ako, I know you hate ice creams but please--"
" Alright. Let's go" Hindi ko na sya pinatapos magsalita, agad na akong tumayo at nauna ng maglakad pagkasabi ko nun. Halatang nagulat sya sa isinagot ko pero agad naman nyang nabawi yun at sinimulan na din nyang maglakad.
" Bakit mo hate ang ice cream?" Tanong ni Eros sa akin, halatang naiilang pa sya sa tanong nya but i just simply smile.
" Actually, I love ice cream."
" H-huh?" Halatang naguluhan sya sa sagot ko kaya ni re-phrase ko.
" I love ice cream, but it was only before. I started to hate ice cream when he left me... Sabi ko kasi sa sarili ko, kakain lang ako ng ice cream kapag si Gab na ulit ang kasama ko na kakain."
" I-im sorry to hear that.. Ngayon, naiintindihan ko na." Nakita ko na naman na nalungkot ang ekspresyon ng mukha nya kaya tinapik ko sya sa may balikat.
" Ayos lang yun." Nginitian ko sya at ngumiti naman sya pabalik.
**
" Nandito na tayo sa Sweets." Sabay bukas sa pinto at kaagad na pumasok. Lumapit na ako sa counter at nakita ko na din si Eros na papalapit.
" Good evening Ma'am Sir, welcome to Sweets!" Bati saamin ni Mina, nabasa ko lang sa name plate nya. Kayo hah! akala nyo close kami? Di ako FC!
" One scoop of Vanilla ice cream please." Nakangiting sabi ni Eros kay Ate'ng taga kuha ng order.
" One chocolate ice cream w/ strawberry drizzle on top naman saakin." Biglang napatingin sa akin si Eros at halatang gulat na gulat.
" Pautang muna hah.. wala kasi akong dalang pera." Nakangiting sabi ko sakanya.