Jeff's Chapter

43 0 0
                                    

COLLEGE LIFE

Naalala ko noong day two ko sa University wala pa akong kakilala, mag isa lng akong nag-iintay sa magiging kaklase ko ng may biglang naki-upong babae sa tabi ko. Hindi ko makakalimutan yung sinabi nia sakin...

"1st year ka, anong course mo?"

"opo, Food Engineering Technology. Kayo po anong year nio na?"

"2nd year, CPET ako. Iniintay ko lang yung pinsan ko sasamahan ko kasi sa building nila."

"ah."

wala na akong naisagot sa kanya, nagpakilala sya sakin ei hindi ko lang matandaan pangalan nia. Bigla syang nag salita...

"magkakaboyfriend ka dito."

napangiti ako noong sinabi nia yun kaya pala tinanong nia ako kung may boyfriend aku. Sa Department kasi namin karamihan lalake ang estudyante. So umasa akong magkakaboyfriend nga ako. haha. Hindi ko talaga makakalimutan yung sinabi nia.

INTRO IN ENGLISH

Yan na nga boys kaklase namin sa subject na ito, umopo ako sa bakanteng upuan kasama ang kaklase kung mga babae (5 lang kaming magkakaklase sa course namin at 1 lang lalaki samin.) May nagpakita agad ng kalandi sakin at ito nga ay si Jeff, taga mindoro sya, matangkad, maputi at may ibubuga naman. hehe.

Tuwing magkaklase kami sa subject lagi nia akung kukulitin at tatabihan, feeling ko nga nanliligaw sya. Napapansin yun ng mga kaklase namin kaya naman nahihiya ako sa kanila tapos noong minsan nag kaklase kami sa Algebra tumabi sya skin nasita sya ng Prof. namin...

"oh, Mr. Sison bakit ba lagi kang nakatabi kay Miss Villa?"

"maam baka po kasi may makadapong bubuyog ei."

"ano?"

"maam kasi, si Kelly bulaklak yan babae yan, ei ako bubuyog ako, kita nio naman po daming bubuyog dito kaya dapat bantayan ko baka kasi maagaw pa ng iba"

Sa totoo lang natawa ako sa sinabi nia pati ang Prof. namin wala ng nasabi. Lahat ng kaklase namin tumawa kaya naman walang nalapit sakin pag andun si Jeff ang alam kasi nila nanliligaw si Jeff sakin pero hindi naman.

Pwude namang magka crush ng madami noh? Kaya naman habang crush ko si Ken, crush ko din si Jeff. (ang landi ko lang. haha.) Ilang buwan ding sweet skin si Jeff, pero hindi nia kunukuha # ko, nedeveloped ako sa kanya (sa totoo lang mabilis akong mainlove.) na inlove ako sa knya.

Habang tumatagal nararamdaman kung nagbabago na si Jeff sakin, hindi na nia ako kinukulit at hndi na sya sweet skin. Simula yun noong mapadagdag si Nory sa course namin, yung mga dating pangungulit nia sakin ginagawa na nia ngayon kay Nory. Nagagalit ako tuwing makikita ko silang nagkukulitan, tapos dinadaan daan nalang ako ni Jeff.

Hindi na sya sweet skin, buwisit na sya kasi lagi nia akong inaasar na maliit (maliit lang kasi aku flat 5 lang ang taas ko.) Kaya naman lagi ko syang sinasaktan, kinukorot ko sya kung saan sya abuting at minsan sinusuntok ko sya. Alam mo yung dating kilig naging gigil nalang kasi naaasar kana sa kanya.

Sa bawat araw na makita nia ako inaasar nia ako ng bonggang bongga, kaya naman minsan ayaw ko na magpakita sa kanila ng barkada nia. Umiwas na din kasi ako sa kanila kasi may gusto sakin yung isa nilang kaklase, akala ko dati gusto lang nia makipag close yun pala gustong manligaw. Ilang beses kung sinabihan si Andy na hindi ko sya gusto pero mapilit sya kaya naman kahit makita ku sya hindi ko sya pinapansin.

Kahit si Jeff ikinukulit nia skin si Andy, sagutin ku daw kasi inlove na inlove daw yun skin gusto ko sana sabihin sa knya na hindi si Andy ang gusto at ang gusto ko ay sya. Mabilis ding nawala ang nararamdaman ko kay Jeff kasi sya na mismo ang nagpadama na hindi na nia ako gusto.

Sabi nga sa quotes " If you love someone, showing is better than just telling it. If you don't love them anymore, telling is better than showing it." simple but meaningful.

Naging magkaibigan naman kami ni Jeff kahit papaano, mas okay pala kami na magkaibigan. Salamat sa knya kasi, sa knya ko unang naramdaman kung ano ang pakiramdam ng may ngpapahalaga. hehe.

Ang Kwento ng N.B.S.BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon