[1]

33 2 0
                                    

"You can never stop this killer. But, he can stop you"

*

"I am so excited sis!" Jem shrieked. Napatakip naman ako sa tenga ko. Anuba. May ilalakas pa ba ang boses nito? Aba kung meron pa, mas mabuti pang dumistansya na ako agad sakaniya. Hindi na naawa sa eardrums ko e.

"Kailangan sumigaw?" Sabi ko. 

Inirapan lang niya ako. 

"KJ nito!" Sigaw nanaman niya. Oh please! 

"Pero excited na talga ako sis! Ang tagal naman mag 10 AM para makapag Camping na tayo later with the rest! Kung pumunta na kaya tayo sa Greenwich sis? Andun na kaya sila? Ay. 7:00 palang e!" Dirediretso niyang sabi. Ang bilis niya magsalita. Hindi naman halata na atat na atat na siya sa camping namin mamaya ano?

Mamayang 10 AM na kasi ang Camping na napagplanuhan ng buong barkada. Pupunta kami sa Thumbers. Thumbers? Isang gubat yan. Di naman masyadong malayo. mga 2 hours lang pag nag drive. Joke. Medyo malayo din pala. 

"Sa totoo lang, wala akong naintindihan sa sinabi mo Jem." Sabi ko.

"E kasi naman Gail! Excited na talaga ako!" Sigaw niya.

"Iba ang excited sa atat. Alam mo yun?" Pang aasar ko. 

Nagpout lang siya. Putulin ko nguso niyan e. 

"Manahimik ka muna for uhmm.." Tinignan ko ang relo ko. "3 hours. okay? Matutulog muna ako. Pakigising mo nalang ako pag 9am na para makapagbihis na ako."Sabi ko.

Naka pag ready na naman ako ng mga dadalhin ko kagabi. Nakaligo nadin ako kanina. Magbibihis nalang ako at pwede na kaming lumarga. 

“Ano ako? Peronal Alarm Clock mo? Ayoko nga!” Sabi niya.

“Tsk. Pwede mong laruin si Snow habang natutulog ako. But DON’T feed him ok?” Sabi ko nalang. No choice. I need to sleep. Gustong gusto niya kasi talaga laruin ang aso kong si Snow. Shitzu siya na kulay puti. Sabi ko naman sakaniya wag niya laruin baka kung ano pa gawin niya diyan.

“Seryoso?" Tanong niya.

Tumango lang ako bilang tugon. Inaantok talaga ako…

“Leche! Nakakapagod naman sa byahe!” Pagrereklamo ko.

“Napagod ka kakaupo?” Tanong ni Jem.

“Oo.” Sagot ko nalang. Nakakangalay kaya umupo noh!

“Asaan sila?” Tanong ko. Lumingon lingon ako. Wala kaming kasama. Kaming dalawa lang ni Jel ditto sa gubat.

She grinned at me. Yung grin na nakakapangilabot.

Nakarinig ako ng matinis na sigaw. Teka. Boses ni Jem iyon, diba? Tinignan ko si Jem na nasa harapan ko ngayon. Hindi naman siya nasigaw.

Biglang sumakit ang ulo ko. Para bang binibiyak.

“Ahhh!” Napasigaw ako sa sobrang sakit.

Napabalikwas ako ng bangon. Napahawak ako sa ulo ko. Nananaginip pala ako. 

Pero ang creepy nun ha.

Lumingon lingon ako ng Makita kong wala si Jem sa kuwarto.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko. Medyo nahilo pa ako pagkatayo ko. Kulang daw ako sa tubig pag ganito. Yung tipong nahihilo pag biglaang tumayo.

“Jem?” Tawag ko sakaniya.

“Snow?” Tawag ko sa aso ko. Aba, wag ka tumawa diyan. Pag narinig ni Snow na tinatawag ko siya automatic na lumalapit siya agad saakin habang nag nag gumagalaw galaw yung buntot niya. Ang cute lang no?

Kaya nga nakakapagtaka na Hindi lumapit si Snow saakin ngayon. Baka naman hindi niya narinig?

“Snow!” Tawag ko uli. Lumabas ana ako ng kuwarto ko para mahanap sila. Pumunta ako sa kusina. Salas.

“Jem!” Tawag ko kay Jem. Nalibot ko na ata ang buong bahay ngunit wala padin sila.

“I have no time for hide and seek Jem. Come out na.” Sabi ko.

Wala padin…

Ugh. Saan naman yung nagsuot? Baka naman lumabas sila ni Snow. Di kop ala siya nasabihan na wag ilabas si Snow.

Tinawagan ko cellphone niya.

“Why should I care?

Cause you weren’t there when---“

“Ay shit! Di ko nasilent!” Narinig kong sigaw sa laundry room.

Boses ni Jem.

Duon pala nagtago ang loka. Walanghiya.

Pumunta ako sa laundry room ata naabutan ko si Jem na umaalis sa washing machine.

“Nagkasya ka diyan?” Tanong ko.

“Oo! Wahahaha! Kinabahan ka no? Akala mo na abduct na kami ng Aliens! Wahahaha! Ang daling turuan ni Snow sis! Sabi ko tahimik. Di siya kumahol. Ang galling!” Sigaw niya na para bang amaze na amaze kay Snow.

“Quarter to nine na. Magbihis ka na” sabi ko nalang sakniya.

Pero sa totoo lang, Kinabahan talaga ako kanina. Akala ko kung nasaan na sila.

Bwisit. Naloko ako dun ah.

HuntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon