Paano magkaroon ng mataas na marka at mapabilang sa TOP?

18K 106 34
                                    

Lahat naman tayo inaasam asam magkaroon ng mataas na marka, hindi ba?

Kailangan natin magpakahirap! Magpakahirap sa pag aaral! Pero hindi niyo ba alam na hindi lamang dapat kayo sa pag aaral magpapakahirap? Mayroon ring iba na dapat mong gawin!

1.) Always present.


Dapat, lagi kang present. Kung hindi ka present, makakamiss ka ng lessons, wala kang matututunan. Tapos pag walang natutunan, walang isasagot. Pag walang naisagot, wlang marka, pag walang marka. BAGSAK. Pakamatay na boy! Tsarot lang! Haha. 

Always present kasi minsan, may binibigay ding puntos sina mam/sir sa mga present at absent. Pag nahuli kang absent lalong lalo na kung ikaw yung laging binibigyang pansin sa classroom, aba! Be ready na!

2.) Maging active sa presentations.

Hindi porket ikaw ay matalino ay mataas na agad marka mo sa ganun, genan. Kailangan rin ng additional pampasaya at pampakwela para magustuhan ka ng mga teachers at taasan yang marka mo kahit gaano kang kababa!  xD Hahaha.

Dapat laging agaw pansin ka sa mga presentations, pero wag masyadong paka pansin o OA kasi maaani lang sila sa'yo. Pag butihan mo yung character mo o kung ano yung titulo mo sa presentation niyo. Pag butihin mo at kung seryoso ka, mapapansin nila. Halimbawa: Matanda ang role mo. Tapos talagang matanda at nakakatawa. Aba! Pansin ka na duy! Taas ng marka mo sa presentation. Hindi lang sa written kundi na rin sa presentations! :D

3.) Maging active sa recitations.

Siyempre, dapat i share natin ang mga nalalaman natin. Dapat malaman ng mga teacher na may idea ka doon para bigyan ka ng malaking grades. Gets mo? Halimbawa: What is the largest planet? Tapos alam mo naman pala. Sagot: Neptune! Ay wenk wenk. Sorry... Baba ka agad ng isang point, napahiya ka pa.

Dapat sa mga recitations, lagi kang nasagot at before ka sumagot, make sure na tama yung sagot mo. At... TENENENG! You gain 5 points for answering the hardest question! May points ka na, may malaking impact ka pa! O diba?

4.) Mag aral ng mabuti.

Hindi porket daldal ka na sa recitations o sa mga presentations ay mataas na agad ang grades mo dahil napapansin ka ng mga teachers? Hindi lamang mga presentations ang mapapansin ni teacher kundi narin ang written portion! Kaya mag aral ka ng mabuti. Pag mataas sa quiz, mataas sa test, mataas sa written nga, mataas sa presentation at mataas sa recitation, aba! Wag nang magtataka kung bakit nakasali ka sa top! :D

5.) Paka close sa mga teachers.

Hindi ibig sabihin nito ay maging sipsip ka. Paano ang lahat ng grades mo kung ang ugali mo, Hmf! Basura! Dapat sa attitude dapat nasa good image ka. Kung bad image ka pero mataas ang mga grades mo, pwede haltakin yan pababa dahil sa masama mong ugali. Diba? Lahatin mo ang limang yan, TOP 1 KA NA! At pag nawala ang isa diyan. Asahan mong nasa TOP 10 ka pataas. or Achiever nalang. Sorry!

So ito yung mga tips, advices at mga techniques upang magkaroon ng mataas na marka o mapabilang sa top! Kaya kung tamad ka at ayaw mong gawin ang isa sa mga ito... Naku, hindi mo maaachieve ang gusto mo na grades at resulta! 

That's all for now :D

ImmaHeraToAdvice <3

For STUDENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon