“Hey, JB! Turn that stupid thing off. It’s annoying.” Pagrereklamo ng ate ko.
“Di ko ‘to papatayin. Ayaw mo kasi akong samahan!”
Nagkamot siya ng ulo. Naiinis kasi siya dun sa pinapatugtog ko.
“Argh. Ano ba kasing gagawin mo sa park?”
“Gusto ko lang mag-gala kasama ang pinaka mahalagang babae sa buhay ko.”
*PAAK*
Aray naman. Napakabrutal talaga nitong babaeng ito. Tss. -___-
“Why don’t you get a girlfriend?! Para naman kapag gusto mong pumunta sa park may makakasama ka.”
“Ate naman! Samahan mo na ako dali.”
“Ano namang mangyayari kapag sumama ako sa’yo, aber?”
Isip JB. Isip JB. ISIP!
Brain blast.
“Sasamahan kita kay Kuya Gino pagkatapos.”
“Ano pang iniintay natin?! TARA NA!” Sigaw niya sabay higit sa akin papunta sa kwarto niya.
Kumuha siya ng isang eye glasses na walang grado at binigay sa akin yung isa naman sinuot niya. Binigyan niya rin ako ng saklob. Nagsuot rin siya ng sa kanya.
“Handa na tayo!”
***
Nasa park na kami ng ate ko. Ang daming tao. Sana naman hindi nila kami mamukaan.
“~Sowoneul malhaebwa!
Ni maeumsoge inneun jageun kkumeul malhaebwa.
Ni meorie inneun isanghyeongeul geuryeobwa.
Geurigo nareul bwa.
Nan neoui Genieya, kkumiya, Genieya.~”
May nag mimini concert ata dito.
“Sinong nakanta?” Tanong ni Ate sa akin.
Ang dami kasing tao ang nanonood ng Mini Concert.
“~Deurimkareul tago dallyeobwadhuguiisabeljyeo
Gaseum beokcha teojyeobeoryeodo baramgyeore nallyeobeoryeodo
Jigeum I sungan sesangeun neoui geot~”
Tumalon si Ate para makita niya yung nanonood.
“ARGH! SI MIA LANG PALA!” Sigaw ni Ate. Yung iba tuloy tao napatingin sa amin.
Walanjo naman ‘tong Ate ko.
“Si Ailee at Brylle ba yun?” Bulong ng isa.
“JB, pagbilang ko ng tatlo. Tatakbo tayo. Kita na lang tayo sa bahay.” Bulong sa akin ni Ate.
Tumango naman ako.
“Isa..”
“Oo nga, sila yun!”
“Dalawa..”
“SI AILEE AT SI BRYLLE ANDITOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!”
“Tatlo! Takbo! See you sa bahay Brylleeeee!” Sigaw ni Ate papunta sa ibang direksyon.
Grabe naman sila tumakbo na nga ako papalayo pero hinahabol pa rin nila ako.
“BRYLLE WAIT FOR ME!”
“BRYLLE I LOVE YOU!”
“AKIN KA NA LANG!”
“WILL YOU MARRY ME?!”
Bilisan mo tumakbo, JB. Baka mamaya mamatay ka pa dahil jan sa fangirls mo.
*click*
*click*
*click*
Hala! May namimicture pa. Aish! Bakit ba kasi sumigaw si Ate kanina, ayan tuloy. -___-
“BRYLLEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!”
*boooooogsh*
“OKAY KA LANG BRYLL----WHAT THE?!” Sigaw lahat ng fangirls ko.
*click*
*click*
*click*
Ang daming nakakita ng nangyari! O lupa, kainin mo na ako!!!
