8

123 1 0
                                    

 A/N: Pwede niyo pong iplay yung video sa gilid --->

Yung ibang chapters po, lalagyan ko na rin ng tugtog. Iplay niyo nalang po kung gusto niyo. :D 

ENJOY :D

----------------------------------------------

Carlo's POV

Kinabukasan ulit sa school...

Pumasok ako ng napaka-aga para mailagay sa desk ni Cathy yung bouquet ng bulaklak na sinasabi ko.

Sa sobrang aga ko nga, sobrang inaantok pa ako kaya nakatulog ako ng mahimbing na mahimbing. Ano kayang reaksyon ni Cathy sa bulaklak?

zzZzZZZZzzzz..........................

Cathy's POV

Hay! Another day na naman ng pasukan! 

Nakakagana talagang pumasok pag may inspiration kang bumangon araw-araw. Hahahah.

Pagpasok ko ng classroom...

Bakit nagkukumpulan sila sa may upuan ko banda ? Anong meron?

"Ang ganda naman niyan."

"Ang sweet naman ng taong nagbigay niyan."

Yan lang ang naririnig kong sinasabi nila.

Teka ! Ano bang meron?

*Lakad*

"Uhm. Excuse me?"

"Ay! Anjan na siya."

"Balik na tayo."

Pagtingin ko may bouquet ng bulaklak sa desk ko. Sino kayang nagbigay nito?

"Excuse Me. Alam niyo ba kung sinong naglagay nito sa desk ko?"

"Hindi eh."

"Pagdating namin, nanjan na yan."

"Ah. Okay, Thank You."

Tapos dumating si Dwayne at umupo na sa upuan niya...

"Anjan na pala yan! Haha." -Dwayne

"Alam mo ba kung sinong naglagay nito dito?"

"Isang taong may lihim na pagtingin sa'yo pero hindi ako yun ah.!"

"Ah. Sige."

Tumingin naman ako sa paligid at wala naman akong kapansin-pansin na napansin. (AN: Hanudaw? XD) Pero napansin ko, natutulog na naman si Carlo. Ano bang kinapupuyatan nito at lagi nalang tulog pagdating sa school?

Lumapit ako kay Carlo at napansin kong sinundan ako ng tingin ni Dwayne na may kasamang ngiti tapos inalis na niya yung tingin niya nung nakaupo na ako sa tabi ni Carlo.

"Carlo?"

"Carlo?"

Mukhang pagod na pagod siya ah. Ano bang pinagkakaabalahan nito? 

Bumalik nalang ako sa upuan ko at nag-bell na kasi magsisimula na ang klase. Buti nalang nagising na rin si Carlo. Ang pogi nya talaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

"Kanina mo pa tinititigan yan ah? Baka matunaw yan sa tingin mo!" -Dwayne

"Ha? Ah eh! Tinignan ko lang naman kung gising na siya."

"Sus! Nararamdaman kong may gusto ka sa kanya!"

"Ha? Wa-wala ah." (Nauutal pa ako nung sinabi ko yun)

Manhid VS. AssumingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon