"Bes!" Tinawag ako ng bestfriend ko. Nandito kasi kami sa ground. Kakatapos lang ng flag ceremony. Kaya makakapag usap pa kami.
"Oh?" Mataray ako ngayon, di ko alam kung bakit. Kabuwanang dalaw ko kaya? Naku, kailangan ko magready.
"Samahan mo ko mamaya?" San naman kaya pupunta tong babaeng to? Siguro may rocket to! Rocket na mag inum lang ah? Un kasi tawag ko kapag umiinom sila.
"Ayoko. Madami pa kong gagawin bes, sorry." Palusot ko na lang. Ewan ko kung pasok. SANA!
"Ehh? Bes naman! Sige na naman oh? Pleaaase?" She said with her blinking eyes. Ayan. Sige, alam niya kasi na kapag nagplease siya, di ko siya matitiis.
"Ayoko talaga bes. Mas mabuti pa na umuwi ka na lang sa bahay niyo at magpahinga kaysa ma hang over ka."
"Suus. Ganyan ka naman eh." Nag pout siya. Hala?! Kasi naman ayokong pumunta sa bar eh!
"Bahala na bes. San ba punta mo?" Pag to sa bar, masasapok ko talaga to.
"Basta, sumama ka ah! Thank you, thank you talaga bes. Love you. Akyat na ko sa taas ah? Thank you talaga. Bye!" Sabay beso sakin, at tumakbo na sa taas. Pumayag na ba ko? Diba, nagtanong lang ako? Bahala na nga!
Umakyat na din ako sa taas - room namin. Di kami mag classmate ni Bes. Nasa section II-A siya. Valedictorian pa nga siya eh! Sipag kasi siya mag aral. Siya ung almost perfect ko na bestfriend. Actually may iba pa naman kaming bestfriend.
A/N - Makikilala niyo ung mga ibang best friend niya sa ibang chapters. Lalagyan ko nalang sila ng mga point of view.
Pag akyat ko sa room namin, ang daming gulo. Wala pa kasi si Sir. After mga ilang minutes, dumating na din. Sa wakas naman! Tsss. Nako.
Ayun. Naglesson lang siya about science. Di ako masyado nakinig kasi recap lang naman ung ginagawa ni Sir eh. Tska expect pa siya na may makikinig sa kanya. Nasa II-B kaya kami. Mga makukulit tska tamad. Joke! Matatalino, mga top 10 pataas ang II-B. Mga tamad nga lang.
~ *Criiing* *Criiing* ~
Hay salamat, break time na! Nakakatamad magklase ngayon. Gusto ko tuloy umabsent bukas. Tss.
Bumababa na ko para kumain. As usual, wala pa si bes. Nasa klase niya pa. Edi, tulala ako dito.
Gusto ko na din matapos ung recess. Ang dami ko namang gusto. >_<
Blah.Blah.Blah.
A/N - Di ko na po ikwekwento ung iba, pampahaba lang eh. Hahaha. Tamad po kasi ako, saka masakit sa kamay mag type ng magtype. By the way po, kung may errors po, paki sabi. Eedit ko nalang po. Salamat. :*
Haaay. Salamat! Uwian na, gusto ko na pumuntang higaan at magpahinga. Nakakapagod eh. Naglocker muna ko. Pagkatapos, dumaan sa corridor pababa sa ground floor. Napasilip ako bigla sa nakapatong na papel sa upuan ko. Nako, ung mga cleaners talaga, di maayos mag linis. Baka pagalitan ako ni Sir kapag nakita to. Nasa upuan ko pa naman. Kinuha ko na iyon at tinignan.

BINABASA MO ANG
Move on Girl. </3
Teen FictionA girl who has a miserable life with her family, friends and special someones. She only have few close friends, close relatives one special someone. Read and enjoy reading her life.