Mahal na mahal kita Alex..
*kriiing. Kriiing. Kriiiiing.*
Bigla akong napadilat nang bigla kong marinig ang alarm clock ko. Napaupo ako at kinusot-kusot ko ang mga mata ko.
Napanaginipan ko na naman siya. Haaay.
Bumaling ako sa alarm clock na patuloy pa ring nagriring.
Oras na naman pala para gawin ang 11:11 PM routine ko.
~~~
May 14, 2014
"Uy! Hiwalay na pala kayo? Anong nangyari?"
Eksaktong tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng maghiwalay kami ni Alex pero marami pa rin ang nagtatanong sa akin ng bagay na iyan.
Ano nga bang nangyari sa amin? Kahit ako, hindi ko din magawang masagot ng tama kung bakit kami humantong sa ganito. We almost have a perfect love story, a perfect fairytale.
Tulad ng mga nababasa nating fairytales, nagsimula din kami sa isang once upon a time..but unfortunately, uunahan ko na kayo, we didn't reach our happy ending.
Memoryado ko pa kung paano kami nagkakilala.
Matagal ko na siyang hinahangaan. Simula nang tumuntong ako sa unibersidad na yun, naging makulay ang mundo ko dahil sa kanya. Hindi ko siya kaklase kasi magkaiba ang kurso naming kinukuha. Madalas ko lang siyang makita sa student lounge sa tuwing pupunta ako ng gymnasium para sa P.E. class namin. Napansin ko siya dahil sa astig siyang pumorma. Isa rin siya sa mga sikat na estudyante sa buong university dahil madalas siyang isali sa mga pageant.
Gwapo siya. Malinis manamit, singkit, at ang ganda ng mga ngiti niya. Bunos points pa na matalino siya. kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit sa tuwing dadaan siya, andaming matang nakasunod sa kanya.
Okay na sana ako sa pagtingin sa kanya sa malayo. Hindi naman na ako umaasang mapapansin niya ako kasi isa lang ako sa mga ordinaryong estudyante na hindi naman kapansin-pansin. Pero siguro nga, hindi natin kontrolado ang tadhana. Nakabilang kami sa mga napagtripan niya.
Acquaintance party noon. Buo na ang desisyon kong hindi nalang umatend kasi hindi ko naman hilig ang mga parties. Baka ma-out of place lang ako. Pero mapilit ang kaibigan kong si Myka kaya napabago niya ang isip ko. Pagkarating namin ball ground ng university, siya agad ang hinanap ng mga mata ko. Alam ko imposibleng makita ko siya kasi bukod sa marami ang estudyanteng dumalo ng acquaintance party, masquerade pa ang theme.
Dugdug. Dugdug.
Ayon. Nakita ko siya malapit sa registration booth. Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Alam kong siya 'yon dahil alam na alam ko ang mga ngiti niya.
Nang magsimula na ang event, the crowd went wilder.
Halos puro rock music lang ang pinapatugtog ng DJ kaya parang mga ibong nakawala sa hawla ang mga schoolmates ko. Party lovers nga naman.
Iniwan ako ni Myka kaya mag-isa lang akong sumasayaw. May mangilan-ngilan ding nakikihalubilo sa akin. Go nalang ako kahit di ko sila kilala. Mukha naman kasing mababait.
From rock song, napalitan ito ng slow song kaya kumonti ang tao sa dance floor. Awtomatikong hinanap siya ng mga mata ko. Ewan ko nga eh. Gusto ko lang makita kung sino ang kasayaw niya.
Aalis na sana ako kasi alam ko naman na walang makikipag-sayaw sa akin. Pagtalikod ko, nakita kong nakalahad ang kamay niya. "Let's dance,"sabay labas ng matamis niyang ngiti.
Hindi maprocess ng utak ko ang mga nangyari noon kaya ilang segundo din akong hindi nakakibo. Siya na ang kumuha ng mga kamay ko at dinala ako sa gitna ng dance floor.
BINABASA MO ANG
11:11PM ROUTINE
Short StoryPaano ba ako makakamove-on kung sa lahat ng ginagawa ko, naaalala ko siya?