Chapter 11: Love is Pain and Hope

64.4K 884 89
                                    

Chapter 11: Love is Pain and Hope

 

 

Ewan ko, naglalakad ako di ko alam kung saan ako papunta.

Kami na ni Hann

 

Paulit ulit na parang sirang plaka sa utak ko yan. Konti nalang papatak na naman yung luha ko. Ayoko umiyak! Ayoko.

Sabi ni kuya, ng mga taong in love sabi nila Masaya daw to. Pero bakit ganito nararamdaman ko?

Bakit unfair?

Bakit kelangan ko maramdaman ito?

I think love is when you feel pain…

Naglalakad lang ako, di ko alam kung saan ako idadali ng mga paa ko.

Saan nga ba ako papunta? Saan nga ba ako nakarating?

Pagtingin ko sa harap ko

Yung bahay nila Lola…

Sa bahay nila lola ako pinadpad nung paa ko.

Bakit ako nandito? Nakita ko nalang sarili kong binubuksan yung gate.

Lumapit saakin yung aso.

“Xyla apo, aba’y… napadalaw ka? Nasaan na iyong si Zen?” nasa may bandang gilid si lola kaya hindi ko kaagad siya napansin…

“hindi ko po siya kasama lola” nakangiti kong sagot

Pinapanuod ko lang si lola magdilig ng halaman, di ako nagsasalita

“may problema ka ba apo?”

Napatingin ako sakanya…. I don’t know but I guess I’m staring her blankly

Wala ako sa sarili ko and I admit it.

Lumapit siya saakin hinawakan niya ang mga kamay ko

“natutuwa ako dahil kahit papaano may mga batang nagpupunta dito para bisitahin ako, natutuwa ako dahil may makakasama na itong si Julia”

Tinutukoy niya yung aso, na ngayon ay nakatingin saakin habang nakahiga.

Teka? Ano ulit ang sabi ni Lola?

“buti at nagpunta ka dito ngayon, mga ilang araw nalang aalis na ako dito sa bansa.. kukunin na ako ng anak ko”

PERFECT SHOT (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon