Sunday, 0700H
Kahit antok pa ako ay pinilit ko pa rin ang aking sarili na idilat nang maayos ang aking mga mata. Kailangan kong magsakripisyo ng isang taon sa ROTC. Bakit ba kasi kinuha ko ang kursong Bachelor of Science in Criminology? Iyan tuloy, nasa ROTC ako ngayon.
“Cadets! FORM!” sigaw ng aming commander na si Ma’am Antonette Mendez.
Agad-agad naman kaming nag-form. Hindi ko nga alam kung ano ba ang eksaktong salita ang maaari kong ilarawan sa mga pinaggagagawa namin ngayon. Para kaming mga praning. Tama, praning nga siguro.
Nasa first squad ako ngayon at kasalukuyang nasa fourth element. Ang tangkad ko kasi sabi ng mga ka-platoon ko. Hindi ko alam kung papuri ba ‘yon o insulto.
Pawis na pawis ako ngayon dahil nakatutok na sa akin si Haring Araw. Walang hiya. Naiisip ko ang sarili ko ngayon na para akong isang batang yagit.
“Second class! FORM!” sigaw ulit ni Ma’am Mendez. Lahat naman ng second class ay nag-form na at siguradong i-a-assign sila isa-isa kung anong platoon ang hahawakan nila.
“Erin. Erin.” Tawag sa akin ni Mylene na katabi ko ngayon. Lumingon naman ako kaagad kahit naka-attention ako.
“Ano ba iyon?” tanong ko.
“Sino bang opisyal ang gusto mong humawak sa atin ngayon?” tanong naman nito.
Tumingin naman ako sa mga second class na sa ngayon ay naka-form. Pinagmasdan ko sila. Para naman yatang ang terror nilang lahat.
“Kahit sino huwag lang iyong terror baka mangatog ang tuhod ko sa takot,” sagot ko.
“Tiwalag!” dumagundong ang boses ni Ma’am Mendez kaya napatingin ako sa mga opisyal na tumalikod na at sabay-sabay na nagsipuntahan sa mga na-assign na platoon sa kanila.
Panay ang ingay ng mga ka-platoon ko dahil wala pang lumalapit na opisyal para maging platoon leader namin. Sinulit ko muna ang pagkakataon kaya nag-inat muna ako ng katawan. Ikaw ba naman ang tumayo sa ilalim ng sikat ng araw ng hindi gumagalaw, siguro hindi mo iyon kakayanin. Baka maging semento ka na.
“Anong platoon ‘to?” tanong ng lalaking opisyal.
Agad naman akong nataranta at nag-attention kaagad. Ayokong maranasan ang ma-punish!
“Echo po, Sir.” Sagot ni Rhea na siyang tumatayong sergeant namin.
Hindi ko rin alam kung bakit ako napunta sa Echo. Sa pagkakaalam ko kasi noon sa unang araw ng enrollment ay wala akong alam tungkol sa mga platoon na 'yan. Naiinis kaya ako kapag sinasabihan nila kaming lousy. Walang hiya. Porke't panghuli na kami lousy agad? Ang sarap nilang ipatapon sa fishpond. Tangina lang.
Agad namang nag-take post ang platoon leader namin. Habang nagkakandaluwa na ang mga mata ko dahil sa mga look straightforward na madalas nilang sabihin. Nagpasya akong suriin ng maigi ang platoon leader namin. Abracosa, ‘yan agad ang nabasa ko sa patch niya. Siya si Sir Abracosa, isang second class.
“First platoon Echo. Makinig sa aking utos. Pulutong tikas... NGA!” utos nito dahil magsisimula na ang flag ceremony.
Mabilis kaming nag-execute para hindi kami masabihang lousy. Tumataas kaya ang dugo ko kapag naririnig ko ‘yon.
BINABASA MO ANG
Yes Sir
Ficțiune adolescențiLabis na nagsisisi si Erin Larazabal sa kinuha niyang kurso sa kolehiyo --- ang BS Criminology. Kung hindi niya lang sana ito kinuha ay hindi sana siya nasa ROTC ngayon bilang isang kadete. Ngunit, habang lumilipas ang mga araw ay nasisiyahan na siy...