Ang First -Timer sa Star Sectionn

62 7 8
                                    

              "WHATTT!!! GOODNESS AKO!!!!" bulong ko sa sarili ko habang kinukusot ko yung mata ko upang mas maging malinaw yung mata ko, ngunit kahit na anong kusot ko ay hindi pa rin nagbabago yung nakasulat na G-O-O-D-N-E-S-S-... Haysstttt.. wala na akong magawa, nahiya naman akong magsabi na pabaguhin yung section dahil sayang naman yung tintang ginamit para maisulat yung "Grade 8-Goodness" sa blue card. Pagkauwi ko ay parang pinutakte ako ng mga tanong mula sa front lobe ko hanggang sa hypothalamus ko. "Sino kaya magiging kaklase ko?" "may kakilala kaya ako?" may kaklase ba ako dati na magiging kaklase ko ngayon?" at ang pinakamatindi at sa tingin ko ay tama sa lahat ng hinuha ko,"may magiging guro kaya kaming na kung saan dadaigin pa namin ang call center agent sa pagpupuyat para lang magawa yung proyektong pinagagawa niya?......... 

Hindi ko namalayan na first day of school na pala......

"Kuya Nico!! Good Morning!!".. bungad sa akin ng driver ng service namin.

Sobrang saya ko hindi dahil sa first day of classes, kundi dahil bago na ang service namin!!!... may aircon na at hindi na rin siksikan sa loob di tulad noong dati....

Dali-dali naman akong sumakay at umupo, hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang mga tanong na nakakapagpabagabag ng isip ko simula nung malaman ko na star section ako..... hanggang sa.......

"HUY Nico! nasa school na tayo!" sigaw sa akin ng ka-service ko.

"OO ALAM KO!!" palusot ko na lamang sa kanya kahit na kung hindi pa niya ko sinigawan ay malamang lutang pa rin ako hahahahaha xD, sabay suot ng bag at baba ng service.

"Brod,saan po ba  dito ang Room 309? Grade 8-Goodness na room po?" sabi ko sa isa sa D.O.

"Akyat ka sa third floor katabi ng faculty."

"Ahmm. Sige po. Thank you po" sabi ko sa kanya at dali-dali akong umakyat...

"Naku! late na ba ako? bakit wala nang tao sa labas ng classroom namin?" sabi ko sa sarili ko. Dati kasi nung Grade 7 ako, lagi kaming nag-aantay sa adviser namin sa labas dahil nasa kanya ang susi ng pintuan namin, kaya kahit anong aga pa ang pagpasok namin ay hindi parin kami nakakapasok sa loob ng classroom xD

"Ahhh. baka nasa loob na sila.." sabi ko, at hindi nga ako nagkamali..

"Uy! JJ, hindi na ako nagtaka na nandito ka sa star section eh" sabi ko sa kanya. paano ba naman kase, yung taong yon, isang dakilang henyo. Siya si JJ, Jorell Jonard Ramacala. Nakilala ko siya dahil tulad ko ay mahilig din siyang magbasketball at palagi ko siyang nakakalaro sa court malapit sa eskuwelahan namin. Buti ay may upuan pa sa harap niya at dali-dali akong umupo doon. Habang nag-iintay sa aming adviser ay nakipag-usap muna ako sa mga katabi ko, at don ko nakilala si Reinier, medyo pamilyar na siya sa akin kasi close sila ng dati kong kaklase.

Biglang dumating ang adviser namin..."YES!!", sabi ko sa sarili ko kase yung adviser ko ngayon, dati ko na ring naging teacher... So wala nang masyadong adjustment na gagawin ahhahah xD

Unti-unti na ring gumagaan ang loob ko sa mga kaklase ko....... Nagkaroon narin kami ng bonding time sa isa't-isa.. Parang nawala yung kaba ko nung unang pumasok ako dito dahil sa nakita ko na sila rin pala ay mga normal na tao, I mean yung nakikipaglokohan din, nakikipag-usap din, at nakikipaglaro din......Hanggang sa makilala ko si Colline Josa...

haystt.. nkatapos na ako ng isang istorya hahaha. bukas ko na ito itutuloy. xD CHAPTER 1 Done...


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nicolo's Grade 8 LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon