Chapter 6 ( Ivan's Trap o.O)

16 1 0
                                    

[ ALVIN GARCIA'S POV ]

''Dalii na nga Ivan, kanina pa tumatawag si Dad...'' kelangan na namin pumunta sa lumang bodega, kung hindi lagot ako kay Dad.

''Eh, ba't kasama ako, ikaw na lang, ang pangit dun sa bodega nyo -_- ''  di siya pwede tumanggi.

''Kelan ka pa natutong tumanggi, baka nakakalimutan mong hawak ng pamilya namin ang buhay ng pamilya niyo... kung hindi dahil saam--- '' di ko na natapos sinasabi ko...

''Oo na nga, oo na, tayo na nga. '' napakalaki ng utang na loob saamin ng pamilya nina Ivan, kumpanya namin yung sumalo sa kanila noong totally nalugi yung negosyo nila. 

Pero kahit parang napilitan lang kaming maging close dahil doon, hindi naman ako plastic sa kanya, sa 3 taon naming magkaibigan, naging totoo na din akong kaibigan sa kanya...

''oh, bilisan nyo jan, siguraduhin nyong di mati-trace kung saan niyo yan idedeliver, kung hindi lagot tayo kay Mr. Garcia'' rinig kong sabi ng assistant ni Dad. 

Oo, illegal ang negosyo namin... pero ano naman? yumaman naman kami dahil dito.  At tsaka di pa naman kami nakakapatay. Di pa ganon kalala ang kasalanan ng pamilya namin. 

Alam din 'to ng pamilya ni Ivan, pero ano pa ba magagawa nila? Wala na sana silang ikinabubuhay ngayon kung hindi dahil saamin.

''uy, Alvin, ilang taon nyo na 'tong ginagawa. Tutal, mapera na naman kayo, ba't di nyo kaya itigil? at magtayo ng legal na negosyo? :/ '' bigla biglang sabi ni Ivan. 

''Tumigil ka nga! andito na kami oh, ba't pa namin pahihirapan sarili namin na magtayo ng legal na kumpanya? at, di'ba? nakikinabang din naman kayo. Parang partner na nga ng kumpanya namin ang pamilya nyo. '' pagsagot ko, nakakainis kasi eh, nakikialam. 

dumating na si Dad. Iniwan ko muna si Ivan at kinausap siya. May mga sinabi lang naman siya about sa negosyo namin... 

''Tara Ivan, alis na tayo.'' kailangan na naming umuwi kasi may darating daw na investors dito, di kami, ako, pwedeng makita lalo na't nasa public school ako. 

Gusto sana nina Dad na ilipat ako sa private kaso ayaw ko kasi ang baduy naman dun, ang konti nyo lang. Kahit mayaman kami, gusto ko pa din yung normal pag dating sa pag-aaral ko. sa buhay ko.

Lumabas na kami at umuwi sa kanya kanyang bahay. 

[ CLAIRE DELFIN'S  POV ]

kasama ko ngayon si bestfriend Yani. HAHA.. guess what? sinundan namin sina Ivan. 

Di na ako tumanggi kay Yani kasi crush ko din naman yung si Alvin na laging kasama ni Ivan HAHA :">

pero. o.O ano yan pinasukan nila?  parang abandoned na bodega, ni hindi ko nga alam na pwede pa pala yang pasukan. Madalang lang ang mga dumadaan sa street na 'to. Akala ko nga nyan dati, nasunog na building. -___-

anyway, hoho :"> basta nasisilayan namin ang mga crush namin xDDD

humanap kami ng pagtataguan... at ayun lumabas din sila HAHAHA :">

Di muna kami lumabas kasi baka makita kami.. magiging FAIL haha... mga 3mins. pa, palabas na kami..pero...

May nagsidatingan na black na kotse, pang-mayaman o.O after nun may lumabas na 3 decent-looking old men. 

TIP-TOE.. TIP-TOE :"> 

'' Yani, bilisan na natin...''

pero napatigil ako... :O kamukha ni Mr. Chua yung isa sa kanila. o.O Si Mr. Chua, yung kinamumuhian ng pamilya nina Tita kasi yun yung pinaghihinalaan nilang pumatay kay TIto, nung time na naging succesful yung negosyo nila... -___- ba't ko ba 'to sinasabi? Eh kamukha lang naman. At tsaka mas payat naman si Mr. Chua dun sa lalaki. -___-

''-___- Claire? akala ko ba bibilisan na natin? '' nakalimutan ko nang kasama ko si Yani.

''ahh oo, tara na hehe. pasensya na...'' di ko na sinabi kay Yani, HAHA kamukha lang naman nga, magpapaka-OA ba ako? -___- 

habang naglalakad. bigla kong naisip tanungin si Yani. 

''Yani? hmm, hanggang kailan mo itatago kay Ivan na crush mo siya? I mean, oo may clue naman sila na oo pero yung aaminin mo talaga sa kanya? Kasi, obvious naman na gusto ka niya. Matagal na. Baka pagsisihan mo 'yan eh? '' di ko muna siya pinagsalita. dire-diretso ko yung tinanong lahat.

''ahh ehh? ang aga aga pa best, ayokong ma-issue kami, ayoko nang ganun. At tsaka masaya naman kami ah? Darating din kami diyan. :)) '' ako na kasi natatakot para sa kanya, napapagod lahat ng tao. eh kung pareho nman silang may nararamdaman sa isa't isa, at least man lang, may commitment na. 

''hehe. ganun ba? bahala ka nga diyan. HAHAHA basta sinabihan na kita ah? '' Naiintindihan ko siya kasi alam ko malaki ang expectations sakanya ng pamilya nya.

At alam kong feeling nya napakalayo nya pa towards meeting those expectations. Kaya ni minsan, di nyan naisipan mag-bf. Kasi mahal niya ang pamilya niya. at alam nyang nakikipagsapalaran sa ibang bansa ang Daddy niya para sa kanila.

. Kaya, NAIINTINDIHAN KO SIYA. :))

[A / N : madyo naging serious na yung situation xDDD this time, di na po 'to nangyari in real life xD baka isipin nyo, may mga illegal involvement echos ang isa sa classmates ko noon xD, at related pa ung crush q HAHA.. that's all  :)) ]

His Total OPPOSITE (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon