Bulag Ka Ba? (One Shot)
All Rights Reserved © 2013
_____________________________________________________________________________________
Pagdating ko sa Classroom, Wala pa yung Teacher namin. Nakita ko siyang nakaupo dun sa upuan niya, Diretso ang tingin. Umupo na ako sa upuan ko na katabi lang niya.
“Pepper, Nandiyan ka na ba?” Sabi niya habang kinakapa ang mesa ko. Hinawakan ko ang kamay niya.
“Oo, Pasensya na ha! Tinanghali kasi ako ng gising eh.” Huminga naman siya ng malalim saka pumikit. Tinitigan ko ulit ang gwapo niyang mukha lalo na ngayong nakapikit siya. Hindi mo iisipin na bulag siya. Oo, Bulag siya. Hindi siya yung tipo ng bulag na nakapikit na may suot na shades. May Katarata kasi siya. Sa totoo lang naaawa ako sa kanya kasi sa edad niyang yan nabulag na siya.
Naalala ko tuloy nung unang kita ko sa kanya, Transfer Student siya nun. Nakasuot siya ng shades nun habang nagpapakilala. Inisip ko nung una nagmamayabang siya, Kasi nga gwapo siya tapos nakashades pa, Feeling artista.
“Magandang Umaga sa inyo! Ako nga pala si Mint Tyson. Natutuwa akong makilala kayo.” Nagtataka ako sa kanya kasi diretso lang siya ng tingin. Hindi man lang niya tinitignan yung mga kaklase namin. Mayabang talaga. Pinaupo na siya ni Maam sa tabi ng upuan ko, Sinamahan pa siya ni Maam. Pa-V.I.P talaga.
“Maam, Dito na lang po, Ako na pong bahala.” Sabi niya kaya umalis na si Maam. Pero nanatili lang siyang nakatayo dun. Maya maya din ay humarap siya sa direksyon ko.
“Uhmmmm, Pwede mo ba akong tulungan na umupo?” Sabi niya. Hinarap ko lang siya at tinaasan ng kilay.
“Bulag ka ba? Nandiyan lang sa harap mo yung upuan oh! Tanggalin mo kaya yang Shades mo para makita mo!” Aishh, Naiinis talaga ako sa mayayabang. Kahit pagupo lang kailangan pang tulungan.
“Ganun ba?” Sabi niya saka tinanggal yung shades niya. “Pasensya na ha. Bulag kasi talaga ako.”
Halos malaglag yung panga ko sa sinabi niya. Seriously? Bulag siya. Tinignan ko naman yung mata. Iba yung kulay nung pupil niya. Kulay puti, Ibig sabihin, May katarata siya.
Napahiya naman ako sa sinabi ko, At the same time, Naaawa ako sa kanya, Para kasing pinagdiinan ko pa na kasalanan niya yun dahil bulag siya.
“So-sorry.” Sabi ko saka tumayo at inalalayan siyang umupo.
“Wala yun, Salamat ha.” Sabi niya saka ngumiti, Pero diretso pa rin ang tingin niya. Mabait naman pala siya eh. Bumalik na ako sa upuan ko pero nakatingin ako sa kanya. Nakapikit siya. Habang nakatingin ako sa mukha niya, Hindi ko maiiwasan na mapahanga sa kagwapuhan niya, Maamo rin yung mukha niya. Bigla siyang dumilat kaya napaharap ako sa blackboard. >///////< , Baka nakita niya ako, Pero bulag nga siya diba? Aishh, Pepper, Tanga tangahan lang?
Nung Breaktime namin, Niyaya ko siya sa Canteen pero ayaw niya dahil nakakahiya daw, kaya dinalhan ko na lang siya ng pagkain.
“Wait lang, ilalagay ko lang tong straw.” Sabi ko at pagkatapos inabot ko na sa kanya.
“Salamat ha, Pasensya na kung naabala kita.” Ang lambing ng boses niya. Buti na lang talaga hindi niya ako nakikita ngayon, Sobrang pula na kasi ng mukha ko.
“Dapat ako nga yung humingi ng pasensya ng sayo eh.”
“Para saan?”