Alaala

39 0 0
                                    

Di ko maiwasang mapangiti

tila ba nanunukso ang sandali 

ngtatanong sa aking puso't isipan

mahal mo pa ba siya o sinuko na ng tuluyan?

nakatitig ako sa ating larawan 

punong-puno tayo ng kaligayahan 

maaninag sa ating mga mata

kung gano natin kamahal ang isa't isa

sa paglipas ng panahon

may konting kirot na umahon

di maiwasang isipin

mga sandaling nais ulitin

sa hirap at ginhawa 

tayo ay nagsama

subalit sumuko ka na

kahit may konti pang pag-asa

"I want to be your last"

ako pa ba o sinabi mo din yan sa kanya?

sana hindi ka nangako

para hindi  napako

may pag-asa pa ba ang ating nakaraan

o tuluyan na bang matutuldukan?

pinanghinaan na ba tayo ng lakas

upang di na magtagpo ang ating landas?

ikaw ay alaala na masayang balikan

dahil sayo ko naramdaman ang tunay na kaligayahan

na sa huli ay hinagpis ang kapalit

puso ko'y nanikip sa sobrang sakit

salamat sa pagmamahal mo

napangiti mo ang puso ko

salamat sa sakit na dinulot mo

naging matatag ko

ikaw at ako ay alaala

ating libro ay isasara na

larawa'y lulukutin na

upang di ka na maalala

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon