CHAPTER 9
-Chaine Saavedra's Point of View-
“Eh sa dito ko gusto maupo eh” sabi ni Sky.
“Halika baby dito ka” sabi ko umupo naman si Ken sa pagitan namin ni Sky.
"”Ah Kads una na ako hinahanap na ata ako ni Allison” pagpapaalam ni Drew.
“Ah sige pasensya sa abala” tapos tumayo na siya at umalis.
“Tsk! tingnan mo ginawa mo!” sabi ko kay Sky.
“Anong ginawa ko? nanahimik ako eh!”
“Mommy daddy wag po kayo away” tsk! nakakahalata na ako kay Ken ah!
“Tsk!” sabay walk out.
Hindi na naman ako makatulog namamahay pa rin ako!
Tinignan ko yung oras sa bedside clock, napabuntong hininga na lang ako ng makita ang oras.
“11 na pala” at bigla kong naalala.
Full Moon ngayon wahaha! lumabas ako ng kwarto at sumilip sa kwarto nila Sky at Ken. Kinuha ko yung jacket ko at lalabas na sana sa bahay.
“San ka pupunta?” paglingon ko nakita ko ang Sky na may Killer Eyes ‘ampppp gising pa pala siya.’
“Ano uupo lang sana dyan sa labas” sabi ko sabay kamot sa batok.
“Bakit?, oh baka magkikita kayo ng Drew mo?" seryoso pa din yung mga mata niya.
"F-Full Moon k-kasi diba?" ng sabihin ko yun biglang nawala yung Killer Eyes nya.
“Dyan ka lang hintayin mo ako” sabi niya at bumalik sa kwarto, wala pang isang minuto bumalik siya at may suot na siyang jacket.
“San ka pupunta?” tanong ko naman.
“Sasamahan kita” sabi niya.
-Third Person's Point of View-
“Pero hindi nating pwedeng iwan si Ken” nag-aalangang sabi ni Chaine.
“Ede gisingin natin para kasama natin” sagot ni Sky.
“Mapupuyat naman yung bata wag ka na kasi sumama dyan lang naman ako”
“Ang dami mo namang arte ikaw na nga tong sasamahan” sabi ni Sky sabay hila sa kamay ni Chaine palabas ng bahay nito.
“Ang ganda talaga ng bwan” sabi ni Chaine sa sarili simula bata pa lang kasi ito gustong-gusto niya laging nakikita yung bwan lalo na kapag full moon.
“Ano ba kasing meron sa bwan” sabi ni Sky na nakatitig lang din sa bwan.
“Ewan ko basta gusto ko laging nakikita yung bwan kapag full moon” sagot ni Chaine na nakatitig lang din sa kalangitan.
“Cha?”
“Ano?”
“Ano nagka-boyfriend ka na ba?”
“Oo nagka-boyfriend na ako.”
“Sino?”
“Nasa imagination ko eh”
“So meaning wala pa talaga?”
“Yup”
Hinawakan ni Sky ang kamay ni Chaine at nagsalita. “I love you and i will tell you everyday, everyday until you forget those things that hurt you. And how i wish i could take them away. If only it could be done, I'll do it for sure. But it cannot be done coz you won't let me do it....”
“S-Sky”
“It's getting late, matulog na tayo” tumayo si Sky at hinawakan ang kamay ni Chaine.
“Mauna ka na sa kwarto niyo, pupunta lang ako ng banyo” pagpapaalam ni Chaine.
“Sige, matulog ka ng maaga ah, sige goodnight”
“Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!” sigaw ni Chaine.
Narinig agad ni Sky ang pagtili ni Chaine kumaripas ito ng takbo papunta sa banyo.
“Cha! anong nangyayari?!” sigaw ni Sky mula sa may pintuan habang kumakatok.
“Waaaaaaaaaaaah!!!”
“Chaine! bubuksan ko tong pintuan!” sigaw ni Sky at sinipa nito yung pintuan ng banyo.
Nagkatitigan silang dalawa.
“Wahhhh! bakit mo binuksan!!!!!!!" sigaw ni Chaine.
“Ba't nakapatay yung ilaw?!” tanong ni Sky.
“Pumutok kasi yung ilaw" sagot ni Chaine namula naman agad si Chaine.
“Wag kang papasok!” sigaw ni Chaine at sinuot niya agad yung short at pinuntahan si Sky.
“Ok ka lang? hindi ka nasaktan?” tanong ni Sky.
“Oo ok lang ako” at biglang niyakap ni Sky si Chaine.
BINABASA MO ANG
I'm Already Married?! (completed)
Teen FictionOk how about I will make 5 exclusive paperback copy of this? will you be interested?