Start
Elizabeth' POV
Tumingala ako sa madilim at makulimlim na langit, malakas ang buhos ng ulan. Nakatayo ako sa tapat ng saradong pinto na aking pinagtatrabahuhan.
Ramdam na ramdam ko ang lamig na nanonuot sa aking balat dahil sleeveless shirt and pants ang suot ko. Kinuha ko ang aking cellphone at nagtype ng mensahe para kay Jay-M.
'Nasan kana?'
Mahigit trenta minutos na akong naghihintay sa kanya. Mas lalo nang lumalakas ang ulan at ang tunog ng kulog. Unti- unting bumabalik sa aking alaala ang mga nangyari noon. Mahigit 15 years na iyong nangyari pero sariwa parin sa isip ko.
A beeped from the car interrupted me from my thoughts. Ang akala ko ay si Jay-M, pero nagkamali ako.
Lumabas mula sa puting mustang ang isang matangkad na lalaki. He was wearing our school uniform. His ocean-colored eyes is looking at me blankly.
Lumapit sya sa akin dala ang itim na payong. "Jaycee said he has an important thing to do." bagamat malakas ang ulan ay narinig ko ang sinabi nya.
I was stunned by Genesis's suddenly appearance. Hindi ako makapaniwala na nakaharap ko sya ng ganito ka lapit. Patay na patay ako sa kanya noong high school pero hindi ko pinahahalata. Hindi ko sinasabi sa iba kahit sa bestfriend kong si Irene dahil pinsan nya ito. Nang tumuntong ako sa collage ay sa Washington ako pinaaral ni Tita Rose kapatid ni Mommy hanggang 2nd year din ako doong nagtagal. Pero pinilit ko si Tita na bumalik dito sa Manila dahil ito ang hometown ko, pagnandito ako feeling ko parati kong kasama si Mommy. At nang mag second semester ay doon na nag-umpisang manligaw si Jaycee Mashiba o Jay-M. Paulit-ulit ko syang binasted pero hindi sya tumigil. Sa kakulitan at bait nya unti-unti ko syang nagugustuhan, hanggang sa sinagot ko na nga sya.
"He wants me to get you..." nawala ang atensyon ko sa pagtitig sa kanyang banyagang mukha.
"H-huh?" Jaycee wants to give me? into him?
His jaw clenched. "Jeycee asked me a favor,that if I can fetch you." Naningkit ang asul nyang mga mata.
"Ahh." Di ako makapaniwala sa naisip ko. Bakit nga naman ako ipapamigay ni Jay-M sa iba.
Gusto ko sanang tumanggi sa kanya pero utos 'yon ni Jay-M at isa pa wala rin naman akong choice. Ayaw ko magcab dahil delikado at ayaw rin ni Tita na nagtataxi ako pauwi.
Habang nasa byahe kami ay ang tahimik bukod sa tunog ng malakas na ulan. Nakakailang. Kahit kaibigan sya ni Jay-M at palagi nya itong kasama sa tuwing nanonoud ako ng practice game nila ay hindi naman kami naguusap. Nagpasalamat ako sa lahat ng santo dahil pinaandar nya ang stereo. Agad kong binuksan ang pinto ng kanyang mustang nang tumigil ito sa tapat ng bahay namin.
"Wait-" hindi ko na narinig ang sunod nyang sinabi dahil sinarado ko na ang pinto at sinuong ang malakas na ulan.
Kinabukasan masakit ang ulo ko.Marahil ay sa pagtakbo ko sa malakas na ulan. Buti nalang sabado. Walang pasok at day off ko sa sweets cafe.
Maghapon lang akong nasa bahay. Dinalaw ako ni Irene para malaman kung malala ba ang sakit ko. Though, sinabi ko na sa kanya via phone call na maayos naman ako at hindi nya na kailangang pumunta pa sa bahay. Pero si Irene yun eh, di magpapapigil. Tinanong nya rin kung kamusta na kami ni Jay-M. Sabi ko ayos lang kahit feeling ko merong problema dahil maghapon kong hinintay ang tawag nya pero wala akong natanggap ni isang text.
When sunday comes, wala paring text o tawag mula kay Jay-M. Hindi ko maiwasang maisip na may mali. Dati naman walang oras na hindi nya ako tinatawagan o tinetext. May mali talaga...
BINABASA MO ANG
Perfect Rain
Short StoryThe girl who has a dark past. Everytime she's crying there's always rain, as if nakikisimpatya sa kanya ang langit. Well, that's what she thinks. Obviously, she has bad impression abuot the rain. But, what if... just what if... a man will change her...