What a start!

199 6 3
                                    

My charming Prince Charming <3

-oyyy ikaw!oo ikaw haha sana basahin mo tong story na to lalo na kung gusto mo makaramdam ng kiliiiig or kung bored ka man dyan. Sorry for the epic title. 

Sana po suportahan nyo tong story na to. btw this is not based on a true story. Hope you like my wild imagination :)  

---------------------------------------  

Chapter 1 

Hi Im Kate. Bata pa lang ako mahilig na ako sa fairytales. Pangarap ko kaya maging prinsesa. Weird noh? haha. E kasi nman sino namang tao na ayaw magkaron ng happy ending. Puro kasi happy ending mga fairytales eh pero di nman lahat pero karamihan ganun. 

15 years old na ako at hanggang ngayon wala pa rin spark tong buhay ko na to! ang boring... haisst. Pero ano nman magagawa ko eto ang binigay na buhay sa akin ni Lord eh. Pero kahit ganun pa man masaya pa rin ako. Andami kaya nagmamahal sa akin like my friends, family at syempre si God. 

Bakasyon naaa!!!!! woooo! party party na. 2 months akong hindi papasok sa school. Makakapahinga na din ang utak ko sa wakas!  

1st day of vacation ko ngayon... 

ring... ring....  

May tumatawag sa telepono. Sino naman kaya tong bwiset na to na mang iistorbo sa aking mapayapang buhay! 

Sinagot ko nman agad agad. 

Hello? 

"Uy best! tara libot tayo!" sagot ng baliw na bestfriend kong si jewel. 

ayyy akala ko naman kung sino ikaw lang pala. Pabiro kong sabi. 

"papunta na ako sa inyo Kate ahh" 

ayyy cge na ngaa. Cge magbihis na muna ako saglit, sagot ko naman sa kanya. 

Binaba na nya yung telepono... 

Biglang may kumatok sa gate... 

Bka si Jewel na un. Nagmadali na akong magbihis at sinilip ang bintana para siguraduhin na sa Jewel nga un. Di ko nga lang makita kasi may nakaharang eh. 

Lumabas na lang ako ng bahay at binuksan nlang ang gate. Laking gulat ko kasi hindi bestfriend ko ang nasa harap ko ngayon...

......Tumibok ng malakas ang aking puso at blanko ang utak ko ng mga panahon na yun dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Napatulala ako sa lalaking nasa harapan ko at medyo muntanga lang ang peg at medyo namula ako ng bonggang bongga.

.. Nang bumalik na ako sa aking sarili. Kaagad kong tinanong kung sino siya at anong kailangan nya. Dali dali naman syang sumagot. Ako nga pala si Ivan at malungkot nyang sinabi na naaksidente si Jewel!( akala nyo na love at first sight si Kate noh , nagkakamali kayo! haha pero kung hindi naman o wala kayong idea dun edi... hay nako ano tong pinagsasabi ko. Pagpasensyahan nyo na lang ako. Medyo echos at awkward na to. haha Nevermind me. )

Pinasakay nya ako sa sasakyan nila at nagmadali kaming pumunta sa ospital. Kinwento nya sa akin ang nangyari habang papunta kami sa ospital.  

Pag dating namin dun nalaman na lang namin na wala na daw si Jewel.. 

Hindi ko napigilang umiyak at magwala. Pano na nyan ako pag wala sya.  

Feeling ko tuloy end of the world na. Parang sasabog ang aking puso sa mga panahon na sinabi ng doktor na wala na nga siya talaga. Di ko kaya tignan ang bestfriend ko na patay na. Wala akong lakas na loob na puntahan sya sa kwarto nya sa ospital kaya ayun nandun lang ako sa labas nagmumukmok.

Nilapitan ako ni Ivan at tinanong. "ok ka lang ba?" Napatingin ako sa kanya at sinabing"Malamang hindi noh. Di ba halata?!"  

"ayy galit!? Ikaw na nga dyan kinocomfort eh" sagot ni Ivan 

"Sorry nabigla kasi ako sa pangyayari eh. Feeling ko kasalanan ko lahat to eh. Di to mangyayari kung di nalang ako pumayag na pumunta sya sa amin"

"Wag mo nga sisihin sarili mo! Wala kang kasalanan." 

"Sino ka nga pala? Kaano ano mo si Jewel?" 

"Kapatid ko nga pala siya. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon." 

"Teka bakit hindi ka nababanggit sa akin ni Jewel? May kapatid pala sya?!!" 

"Nilalayo kasi sya sa amin ng mommy namin. Separated parents namin. So magkaiba kami ng bahay. Nakatira ako kay daddy. Siya naman kay mommy." 

"Kadami ko pa palang hindi nalalaman kay Jewel. haaissst bkit di nya sinabi sakin mga yan. Sabagay masikreto kasi sya.."

Ivan!  

tinatawag na ako ni daddy tara pasok ka na rin. 

Ayaw ko ikaw nalang.

Kaw bahala... 

Umuwi na ako ng mga panahon na yun. Pagabi na kasi eh baka mapagalitan pa ako pag nagabihan ako. 

Pag uwi ko kaagad ko sinabi sa parents ko ang masamang nangyari. Habang nagkwekwento tumutulo ang luha ko.  

Di sila makapaniwala sa nangyari.  

Kumain na kami ng dinner. Walang nagsasalita. Tahimik ang buong paligid.  

Naapektuhan kasi kami sa nangyari.  

Pagkatapos kumain. Dumeretso na ako sa kwarto ko. Unti unti na din akong nakatulog. 

------------------------------ 

sorry kung bitin at hindi nyo nafeel ang love at kilig. Wag ka kasi excited! Sa ibang part pa un. Dadating din tayo dun tiwala lang fre. Abangan nyo na lang. Thanks for reading :)

♡♥♡ My Charming Prince Charming ♡♥♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon