Day 2

33 2 0
                                    

Uyy thanks sa pagbasa! hehehehe sorry kung may wrong grammar or anythingXD haha

------------

Pangalawang araw na ng pasukan namin. Hmmmm ano kaya mangyayari...., 

Baka malas na naman. Baka pinagbigyan lang ako ni Lord kahapon.

Bahala na nga!

Tapos ko na ang morning routine ko kaya lumabas na ako ng bahay para tumawag ng tricycle at pumasok na din sa school at pagkalabas na pagkalabas ko si Ivan ang una kong nadatnan.

Ivan? ano ginagawa mo dito? Pagulat kong sinabi.

Gusto ko lang siguraduhin na di ka na ulit ma late hahaha at gusto ko kasi sabay na tayo pumasok eh para masaya.

Halaaaa. hahaha Ikaw talaga. Sige na nga tara sabay na tayo.

hahaha tara na.

Tumawag na kami ng tricycle..

Masaya kaming dalawa habang papunta sa school pero biglang nasira yung sasakyan na sinakyan namin.

Napaloko na! Pano na to?!

So ang ginawa namin para makatipid ay naglakad nalang kami papuntang school tutal medyo malapit lang naman eh. Pero kaagad naman akong napagod dahil siguro hindi ako sanay ng ganito.

Kinuha ni Ivan ang panyo nya at pinunasan mga pawis ko. Wala akong ibang nagawa kung hindi titigan nalang sya.

Pagod ka na ba? tanong nya sa akin.

Hindi. Kaya ko pa to noh. Wag mo na ako alalahanin.

Alam kong pagod ka na Kate. Kitang kita ko sa mga kilos mo haha.

Binuhat nalang ako bigla ni Ivan

Ivan!Ivan! Anong ginagawa mo? Baba mo ko! Nakakahiya ka!

Nakakahiya na kung nakakahiya basta wag ka lang mapagod.

Nagpumilit pa din akong ibaba nya ako pero ayaw pa din eh. Ano ba namang magagawa ko ang lakas kaya nya. Kahigpit ng hawak nya sakin kaya di tuloy ako makababa. Alam kong nahihirapan na si Ivan ng mga panahon na yun lalo na ang tindi pa ng sikat ng araw. Pero ayaw nya talaga ako ibaba eh.

Nakarating na din kami sa school pero ang problema kaming dalawa naman ang late! Kay malas talaga. Nadadamay tuloy si Ivan sa kamalasan ko.

Pero di naman nagsisi si Ivan sa ginawa nya. Masaya pa nga sya eh dahil mas lalo kami naging close. Adik talaga tong lalaking to haha.

Nagmadali na kaming pumuntang classroom. Pero wala din kwenta ang pagpunta namin dahil hindi din naman kami pinapasok.

Nabadtrip tuloy ako kasi first time kong hindi papasukin sa classroom eh. Umalis nalang kami ni Ivan at nagstay sa library. Halos pagalitan pa nga kami ng librarian dahil sa sobrang ingay namin haha pero kahit papano nawala sa isip ko mga problema. Pag kasama ko siya parang lagi akong masaya. Ewan ko ba kung bakit ganun bastat ang alam ko lang sya lang yung taong nagagawang pasayahin ako ng ganun.

-FastForward-

Uwian na! Hinatid ako ni Ivan pauwi pero bago yun nilibre nya ako ng isaw. Alam nya kasi na favorite ko yun eh. Pero di kumakain ng ganun si Ivan kasi ayaw nya daw ang lasa pero bumili din sya at kumain. Haha kaadik nya neh? Pero I think its kinda sweet hahaha. Halaaa napapano nyan ako? ayyy bat may sweet sweet akong nalalaman? Mas adik pa ata ako haha.

Okay back to the story...

haha so ayun hinatid na nya ako. Bago sya umalis ng bahay namin binigyan nya muna nya ako ng bulaklak..

Ivan? para san to? Bakit mo ako binigyan ng ganto?

Wala lang haha napulot ko lang yan sa tabi tabi. I think its a great remembrance for this day. Alam ko walang connect sa mga pangyayari ngayon pero can you please keep it for me?

Aww :"> sure Ivan. Sabi mo eh.... by the way I want to say thank you for this day. You made this day a day to remember. Sa totoo nga nyan di mo na kailangan magbigay ng bulaklak para maalala ko tong araw na to. Talagang maaalala ko to lalo na ito ang first time ko na di papasukin sa classroom. Pero kahit ganun nag enjoy talaga ako kasama ka. Thanks a lot! Dahil sa tuwa ko bigla ko nalang syang nayakap ng di oras at mas naging awkward pa dahil niyakap din nya ako pabalik. 

Nung time na yun para bang ayaw ko na siyang bitawan. I felt like I was flying and I felt so much happy and yeah I felt sparks fly! 

Kababaw ko noh? Para hug lang! Eh kasi naman first time ko kaya yumakap ng lalaki.

Binitawan ko na sya at napatingin sa kanyang mga mata, ngumiti, at nagpaalam na.

Umalis na nyan sya pero bago nun he hugged me tight then smiled and left after saying goodbye. 

Pagpasok ko ng bahay si mommy ko ang agad kong kaharap, at pagalit nyang sinabi..

Kate! sino yung lalaking yun? bakit may payakap yakap pa kayong nalalaman?

Mommy si Ivan yun! Nakalimutan mo na ba? Sya yung kapatid ni Jewel and we are "just friends"

 Ahhh siguraduhin mo yang sinasabi mo Kate. O kain ka na, kumain na kami eh katagal mo kasi nakauwi.

Opo Mama.

So kumain na ako then natulog na din agad pagod na kasi eh pero kahit pagod ako nagsulat pa din ako sa diary ko. Hayyy bakit ako nasipagan magsulat sa diary? Ang weird di ako sanay haha.

Dear Diary,

    O Kamusta? Balita ko matagal na kita di nasusulatan ahh. Sorry naman daw nakakatamad eh. Kilala mo nman ako diba medyo tamad na tao haha. Pero sinapian ako ng kasipagan ngayon! kahit na pagod na pagod na ako. Oyy Diary may kwekwento ako sayo kasi medyo naguguluhan na ako sa mga nangyayari eh. Iba nararamdaman ko kapag kasama ko si Ivan, palagi akong nakangiti, palaging masaya hindi katulad ng dati na parating nakasimangot. Basta ang alam ko lang sa ngayon. Nabago ni Ivan ang takbo ng buhay ko :)

------------------------------------

haha sorry kung pangit pa story :(((. Wala ako inspiration sa ngayon eh. Kung ako nakarecover humanda kayo sakin! :"> wahahah XDXDXDXD Abangan nyo mga susunod na pangyayari ahh. Thanks for reading :)

♡♥♡ My Charming Prince Charming ♡♥♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon